^

PSN Palaro

Dagha'g nawong?

- TAMBAGI KOW BEHH ..grabe!! -

Kung dinomina ng No. 3 Henkel-Sista ang kani-lang unang dalawang laban ng No. 6 San Miguel-Magnolia, nagba-wian naman sa isa’t isa ang No. 4 Toyota Balinta-wak at Burger King. 

Sa kanilang unang pagtatagpo noong Mayo 1, isang 82-66 panalo ang kinuha ng Roadkings ni coach Ariel Vanguardia bago nakabangon ang Whoppers ni mentor Law-rence Chongson noong Mayo 26 sa bisa ng 78-75 tagumpay. 

“We cannot afford to lose this game kasi a win will get us to the semifinals,” sambit ni Vanguar-dia sa paghaharap ng Toyota at Burger King ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Henkel-Sista at SMC-Magnolia sa alas-4 sa quarterfinals ng 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center sa Para-ñaque. 

Ang mananaig sa Roadkings at Whoppers ang siyang hahamon sa No. 2 at nagdedepensang Harbour Centre Batang Pier sa best-of-three semifinals series, samantalang ang susuwertihin naman sa pagitan ng Super Sealers at ng Beverage Masters ang sasagupa sa No. 1 Cebuana Lhuillier Moneymen. 

Kung may bentahe mang nakikita ang Burger King, nagposte ng 4-0 rekord bago mahulog sa isang seven-game losing slump, ito ay ang pagba-balik ni Fil-Am power forward Joe Devance sa Toyota. 

Sapul nang bumalik ang 6-foot-5 na si De-vance noong Mayo 19 ay tatlong sunod na kabiguan ang natikman ng Road-kings, ang huli ay sa Whoppers, 75-78, noong Sabado.

 Sa ikalawang laro, hindi naman gagamiting basehan ni coach Caloy Garcia ang kanilang 71-62 at 67-61 paggupo sa SMC-Magnolia ni Koy Banal para umabante sa semis ang Henkel-Sista. 

“There’s no guaranty that we can beat Magnolia again. Magnolia is a tough team,” wika ni Garcia. (RCadayona) 

ARIEL VANGUARDIA

BEVERAGE MASTERS

BURGER KING

CALOY GARCIA

CEBUANA LHUILLIER MONEYMEN

HENKEL-SISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with