Isog nga pagbarog

RATCHABURI, Thailand - Isang misyon nata-pos ang ibinigay ng Thailand sa San Miguel-Pili-pinas sa pagsasara ng 7th Southeast Asian Basketball Association Men’s Championship.

Isang pagtatadhana na mawalis ang qualifier sa FIBA-Asia Men’s Championship sa Toku-shima, Japan sa July, tina-pos ng Nationals ang torneo makaraang domi-nahin ang regional competition sa pamamagitan ng 96-76 pamamayani sa host Thailand sa New Ratchaburi gym, ang lugar na inadornohan ng pula at ginto at light blue at puting seda bilang pagbibigay pugay sa Crown Prince kung saan ipinangalan ang torneo.

Ang dalawang unang puwesto na nakuha ng Philippines (4-0) at Thailand (3-1) ang may tiket patungo sa Tokushima, ang lugar ng Olympic qualifiers.

Sa isang banda ng laro, naghabol pa ang SMC-RP sa Thais sa unang quarter, 23-24 at hindi nakatikim ng abante sa loob ng dalawang minuto hanggang sa isang driving layup ni Mark Caguioa 28-27 na isang banta sa kakayahan ng Thailand.

Isang three-point shot ni Ren Ren Ritualo ang nagbigay sa Nationals ng unang double digit na abante, 37-27 may 5:35 ang nalalabi sa halftime na kakaiba para sa RP-5 na tila nasanay sa malalaking bentahe sa simula pa lang ng laban.

Show comments