Nakatakdang magtungo ngayong linggo sa Thailand ang ilang sports officials ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) para inspek-syunin ang mga titirahan ng mga national athletes sa 24th Southeast Asian Games.
“We will be going there to conduct an occular inspection sa mga hotel accomodations ng mga athletes natin for the 2007 SEA Games,” wika ni PSC Commissioner Richie Garcia.
Hangad rin ni Garcia, ma-kakasama sina Commissioner Ambrosio De Luna at POC deputy secretary-general Mark Joseph, na malaman ang dis-tansya ng bawat venue mula sa mga pagtitirhan sa mga atleta.
Maliban sa Nakhon Rat-chasima, pagdarausan rin ng mga sports events sa 2007 Thailand SEAG ang Chon Buri (Pattaya) at Bangkok.
“We want to know the travel time from the hotel to the ve-nues para alam natin kung sinong mga sports ang ilalagay sa Nakhon Ratchasima, Chon Buri or Bangkok,” sabi ni Gar-cia, itinalaga ring deputy Chef De Mission sa ilalim ni Bacolod Rep. Monico Puentevella.
Kabuuang 30 events ang ihahanay sa Nakhon Ratcha-sima, habang 8 naman sa Chon Buri (Pattaya) at 7 sa Bangkok.
Ang occular inspection sa tatlong venues ang siyang unang magiging aktibidad ng bansa sa Thailand bago ang pulong ng SEAG Federation sa Hunyo 2-5 sa Bangkok.
Iaapela ni Puentevella bilang Chef De Mission ng Team Philippines na maibalik ang 24 sports events na inalis ng Thailand, tatayong host ng nasabing biennial event sa ikaanim na pagkakataon. (R. Cadayona)