^

PSN Palaro

ERC allays fears of power rate hike

-

RATCHABURI, Thai-land -- Nagpasiklab si Renren Ritualo upang ipa-kita ang kanyang galing nang kanyang  painitin ang opensa ng SMC-RP team tungo sa impresi-bong 102-72 panalo laban sa Malaysia.

Mula sa 21-pagtatabla ng iskor sa ikalawang quarter, umiskor ng limang tres si Ritualo sa 20-4 atake upang iwanan ang Malaysia tungo sa kani-lang ikatlong sunod na panalo sa gayong ding da-mi ng laro sa Southeast Asian Basketball Asso-ciation (SEABA) Men’s Basketball Champion-ships.

Kailangan na lamang talunin ng RP team ang Thailand para makum-pleto ang sweep sa five-team tournament na ito at masiguro ang ticket sa FIBA-Asia Champion-ships sa July 28-August 5, ang qualifying tournament para sa pinapangarap na 2008 Beijing Olympics.

Di mapigilan si Ritualo sa three-point area hang-gang sa sumablay ito sa kanyang ikaanim na attempt ngunit sinundan naman nina Mick Pennisi at Mark Caguioa ang pa-nanalasa ng Nationals upang tuluyang patahimi-kin ang Malaysian.

Mission accom-plished today,” ani RP coach Chot Reyes. “To-morrow, hopefully, we achieve our goal.”

 Ayon kay Reyes, ang target ay ang Olympics sa pamamagitan ng FIBA-Asia tournament ngunit importanteng manalo sa torneong ito.

Inaasahang hindi ma-giging problema ng mga Pinoy ang kanilang huling laban kontra sa host Thailand na inaasahang susuportahan ng home-town crowd.

ASIA CHAMPION

BASKETBALL CHAMPION

BEIJING OLYMPICS

CHOT REYES

MARK CAGUIOA

MICK PENNISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with