2 women hurt during robbery in Camputhaw

Namemeligro mang mawala sa kanila ang outright semifinals ticket bunga ng mababang quo-tient, idiniretso pa rin ng San Miguel sa pito ang ka-nilang pagratsada.

Isang basket ni Bran-don Cablay at dalawang freethrows ni Olsen Racela sa huling 29 segundo ng laro ang nagtawid sa 101-98 panalo ng Beermen sa Ginebra Gin Kings sa 2007 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Co-liseum. 

Ang nasabing panalo ang nagtaas sa rekord ng San Miguel sa 9-7 katabla ang Air 21 sa ilalim ng nagdedepensang Red Bull Barakos (12-5), Ginebra (11-6), Talk ‘N Text (11-6) at Alaska (11-6) at kasunod ang Coca-Cola (7-10), Sta. Lucia (5-12), Purefoods Tender Juicy Giants (5-12) at Welcoat (4-13).

Para masikwat ang na-turang semis seat, kaila-ngang tambakan ng Beer-men ang Express at Phone Pals sa kanilang huling dalawang laro kasabay ng panalangin na hindi umabot sa 12 ang panalo ng Gin Kings, Talk ‘N Text at Aces.

Humakot naman si im-port JJ Sullinger ng 35 pun-tos, 6 assists, 5 rebounds para sa 114-102 pananaig ng Phone Pals sa Realtors sa unang laro.

“This is a positioning game for us. We know we have a shot at the top two spot. But making the quar-terfinals outright is our im-mediate goal,” ani TNT coach Derek Pumaren. (RCadayona)

Show comments