Sampung taon na ang nagdaan nang huling tinanghal na hari ng kalsada si Victor Espiritu.
Taong 1996 nang tanghalin itong kampeon ng Marlboro Tour bago nawala ang pinakaaba-ngang karera ng bisikleta na nagbalik noong 2002, ilang beses itong nadiska-ril, nakamit din niya ang kanyang pangarap na ikalawang titulo.
Pormal na tinanghal na 2007 Pad-yak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipag-tulungan ng Wow Magic Sing at Air21 si Espiritu sa pagtatapos ng 10-stage, 11 day race sa Rajah Sulaiman Park kahapon sa Roxas Boulevard.
“Matagal ko nang hini-hintay ito,” wika ng 31-gulang na si Espiritu na tubong Malabon City. “Isa na namang achievement ito para sa akin.”
Kahanay na ngayon ni Espiritu ang mga two-time champions na sina Antonio Arzala (1955-56), Gonzalo Recodos (59-63), Jose Sumalde (64-65), Cornelio Padilla Jr. (66-67), Jesus Garcia Jr. (73-77). Jacinto Sicam (81-82), Renato Dolosa (91-95), Carlo Guieb (93-94) at Warren Davadilla (98-2005).
Isinubi ni Espiritu ang P50,000 na individual champion prize bukod pa sa kanyang P20,000 na premyo bilang Mountain King bukod pa sa kan-yang bahagi sa P500,000 na team champion prize matapos nilang agawin ang titulo sa defending team champion Cossack Vodka na nagkasya sa runner-up finish para sa P400,000.
Ang Stage 10 na Ma-nila criterium ay pinangu-nahan ni Michael John David ng Vellum team makaraang tapusin ang kursong nag-paikot-ikot sa Roxas Blvd. sa loob ng isang oras at 54.96 segundo para ta-lunin sina Oscar Rendole ng Cool Pap at Johny Bautista ng Champion Team bilang second and third place ayon sa pag-kakasunod.
Tinanghal namang Sprint King si Bernard Luzon ng Cool Pap mata-pos lumikom ng 25 puntos sa karerang ito na su-portado ng Champion bilang official outfitter, Mail and More, Bacchus na official energy drink, Cossack Vodka, Vellum Cycles, Cargohaus Global Warehouse Services, Caltex, U-Freight Forwar-ders, Sogo Hotel at SM Supermalls. Ito ay inorga-nisa ng Dynamic Out-source Solutions Inc. minando ng Philippine National Cycling Asso-ciation ni Paquito Rivas, sanctioned ng PhilCycling at Games and Amuse-ments Board.
Si Espiritu ay may total time na 33-hours at 2:38 minutes, may 1:20 segun-dong kalamangan sa run-ner up na si Baler Ravina na nagkasya sa P30,000 na premyo habang third overall naman si Irish Valenzuela ng Cossack Vodka na may P10,000 prize. (MBalbuena)