Natupad ang pangarap ni Espiritu
Sampung taon na ang nagdaan nang huling tinanghal na hari ng kalsada si Victor Espiritu.
Taong 1996 nang tanghalin itong kampeon ng Marlboro Tour bago nawala ang pinakaaba-ngang karera ng bisikleta na nagbalik noong 2002, ilang beses itong nadiska-ril, nakamit din niya ang kanyang pangarap na ikalawang titulo.
Pormal na tinanghal na 2007 Pad-yak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipag-tulungan ng Wow Magic Sing at Air21 si Espiritu sa pagtatapos ng 10-stage, 11 day race sa Rajah Sulaiman Park kahapon sa Roxas Boulevard.
“Matagal ko nang hini-hintay ito,” wika ng 31-gulang na si Espiritu na tubong
Kahanay na ngayon ni Espiritu ang mga two-time champions na sina Antonio Arzala (1955-56), Gonzalo Recodos (59-63), Jose Sumalde (64-65), Cornelio Padilla Jr. (66-67), Jesus Garcia Jr. (73-77). Jacinto Sicam (81-82), Renato Dolosa (91-95), Carlo Guieb (93-94) at Warren Davadilla (98-2005).
Isinubi ni Espiritu ang P50,000 na individual champion prize bukod pa sa kanyang P20,000 na premyo bilang Mountain King bukod pa sa kan-yang bahagi sa P500,000 na team champion prize matapos nilang agawin ang titulo sa defending team champion Cossack Vodka na nagkasya sa runner-up finish para sa P400,000.
Ang Stage 10 na Ma-nila criterium ay pinangu-nahan ni Michael John David ng Vellum team makaraang tapusin ang kursong nag-paikot-ikot
Tinanghal namang Sprint King si Bernard Luzon ng Cool Pap mata-pos lumikom ng 25 puntos sa karerang ito na su-portado ng Champion bilang official outfitter, Mail and More, Bacchus na official energy drink, Cossack Vodka, Vellum Cycles, Cargohaus Global Warehouse Services, Caltex, U-Freight Forwar-ders, Sogo Hotel at SM Supermalls. Ito ay inorga-nisa ng Dynamic Out-source Solutions Inc. minando ng Philippine National Cycling Asso-ciation ni Paquito Rivas, sanctioned ng PhilCycling at Games and Amuse-ments Board.
Si Espiritu ay may total time na 33-hours at 2:38 minutes, may 1:20 segun-dong kalamangan sa run-ner up na si Baler Ravina na nagkasya sa P30,000 na premyo habang third overall naman si Irish Valenzuela ng Cossack Vodka na may P10,000 prize. (MBalbuena)
- Latest
- Trending