Nagwakas na ang tatlong sunod na kamala-san ng Barangay Ginebra.
Oras naman ngayon upang muling palakasin ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang automatic semifinals berth.
Matapos magposte ng isang six-game winning streak, tatlong sunod na kabiguan naman ang natikman ng Gin Kings bago nakuha ang isang 88-84 panalo sa Sta. Lucia Realtors kamaka-lawa.
”It’s a relief to be able to break out from the slump and keep our distance with the leaders,” ani coach Jong Uichico. ”Now we have just to take care of business in our last two games. If we could find a way to win both we’ll be fine.”
Makakasagupa ng Ginebra ang utol na San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi makaraan ang labanan ng Talk ‘N Text at Sta. Lucia sa krusyal na bahagi ng 2007 PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Magkabigkis sa itaas ang nagdedepensang Red Bull Barakos, Gin Kings at Alaska Aces mula sa magkakapareho nilang 11-5 rekord kasunod ang Phone Pals (10-6), Air 21 Express (9-7), Beermen (8-7), Coca-Cola Tigers (7-10), Realtors (5-11), Purefoods Tender Juicy Giants (5-12) at Welcoat Dragons (4-13).
Kasalukuyan pang naglalaro ang Red Bull at Alaska sa West Negros College Gym sa Bacolod City habang sinusulat ito kung saan kapwa target ng dalawa ang liderato.
Ang San Miguel ni mentor Siot Tanquingcen ang pinakamainit na tropa ngayon sa torneo mata-pos maglista ng isang seven-game winning run, kasama na rito ang kanilang 40-point 119-79 win sa Welcoat noong Miyerkules.
”We’re not even in the Top Five yet. We’ll just try to keep on winning and see what happens. I may sound ungrateful to our streak of victories. Ayaw ko lang talagang umasa ng masyadong mataas, masakit madapa,” wika ni Tanquingcen, sumisilip ng tsansa sa isa sa dalawang outright semis seat katu-lad ng Ginebra.
Sa unang aksyon, asam rin ng Talk ’N Text, umiskor ng 90-82 tagum-pay sa Purefoods noong Huwebes, na makalapit sa isang outright semis spot, habang hangad na-man ng Sta. Lucia na makapasok sa wildcard phase. (Russell Cadayona)