^

PSN Palaro

RPA-ABB commanders throw support behind 3 expelled leaders

- Antonietta Lopez -

Nagwakas na ang tatlong sunod na kamala-san ng Barangay Ginebra.

Oras naman ngayon upang muling palakasin ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang automatic semifinals berth. 

Matapos magposte ng isang six-game winning streak, tatlong sunod na kabiguan naman ang natikman ng Gin Kings bago nakuha ang isang 88-84 panalo sa Sta. Lucia Realtors kamaka-lawa. 

”It’s a relief to be able to break out from the slump and keep our distance with the leaders,” ani coach Jong Uichico. ”Now we have just to take care of business in our last two games. If we could find a way to win both we’ll be fine.” 

Makakasagupa ng Ginebra ang utol na San Miguel ngayong alas-6:30 ng gabi makaraan ang labanan ng Talk ‘N Text at Sta. Lucia sa krusyal na bahagi ng 2007 PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum. 

Magkabigkis sa itaas ang nagdedepensang Red Bull Barakos, Gin Kings at Alaska Aces mula sa magkakapareho nilang 11-5 rekord kasunod ang Phone Pals (10-6), Air 21 Express (9-7), Beermen (8-7), Coca-Cola Tigers (7-10), Realtors (5-11), Purefoods Tender Juicy Giants (5-12) at Welcoat Dragons (4-13). 

Kasalukuyan pang naglalaro ang Red Bull at Alaska sa West Negros College Gym sa Bacolod City habang sinusulat ito kung saan kapwa target ng dalawa ang liderato. 

Ang San Miguel ni mentor Siot Tanquingcen ang pinakamainit na tropa ngayon sa torneo mata-pos maglista ng isang seven-game winning run, kasama na rito ang kanilang 40-point 119-79 win sa Welcoat noong Miyerkules.

 ”We’re not even in the Top Five yet. We’ll just try to keep on winning and see what happens. I may sound ungrateful to our streak of victories. Ayaw ko lang talagang umasa ng masyadong mataas, masakit madapa,” wika ni Tanquingcen, sumisilip ng tsansa sa isa sa dalawang outright semis seat katu-lad ng Ginebra. 

Sa unang aksyon, asam rin ng Talk ’N Text, umiskor ng 90-82 tagum-pay sa Purefoods noong Huwebes, na makalapit sa isang outright semis spot, habang hangad na-man ng Sta. Lucia na makapasok sa wildcard phase. (Russell Cadayona) 

vuukle comment

ALASKA ACES

ANG SAN MIGUEL

ARANETA COLISEUM

BACOLOD CITY

GIN KINGS

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with