Notadong tulisan sa Talisay nadakpan

RATCHABURI, Thailand--Patuloy ang pag-tanggap ng leksiyon ng San Miguel-Pilipinas Team sa international basketball dito sa Southeast Asian Basketball Association Men’s Championship.

Tinalo ng Nationals ang Singapore, 122-57, ngunit maraming leksiyon pa ring natutunan ang RP team. 

Bagamat tambak ang naging resulta, nasorpresa ang Nationals sa unang 10 minuto sa bilis, mahusay na ball movement, aggressive zone ng Singaporeans.

Nauhaw sa unang limang three-points shots sa unang 10 minuto, abot-tanaw lang ang Nationals sa 32-28 sa kaagahan ng ikalawang quarter at dito natauhan ang Nationals at naging mainit ang bakba-kan ng dalawang koponan.

Sa mainit na pagpapalitan sa ilalim ng basket, pinabagsak ni Kerby Raymundo si Desmon Oh Sei Jie at nabigyan siya ng babala ng reperi.

Show comments