BAGUIO -- Ginamit ni Victor Espiritu ang kanyang natitirang lakas upang manatili sa overall leadership sa ‘killer lap’ na Baguio-to-Baguio Stage 8 na pinag-wagian ni Baler Ravina ng Cool Pap sa 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipagtulungan ng Wow Magic Sing at Air21.
Hindi man nabawi ni Ravina ang yellow jersey na suot nito nang umakyat ang kare-ra sa malamig na lungsod na ito at nagkandalaglag pa ang kanyang pustiso sa pag-inom ng tubig sa may tanyag na Lions head, natupad naman niya ang hangad nitong manalo ng stage nang kan-yang maungusan sa photo finish ang defending champion na si Santy Barnachea ng Champion team.
Nagtala sina Ravina at Barnachea ng identical time na 5-hours, 55-minutes at 60 segundo kasama sina Irish Valenzuela ng Cossack Vodka na nagtapos bilang third at Espiritu bilang fourth na magkakasunod na tuma-wid ng finish line matapos suungin ang lamig na dulot ng pag-ulan.
Isinuko na ni Ravina ang bandila kay Espiritu na lumi-kom ng pinakamababang oras na 27 hours at 6:42 minuto patungo sa penulti-mate stage 9 na 195 kilo-metrong magtatapos sa Clark.
Nakuha rin ni Espiritu ang King of the Mountain sa ikalawang pagkakataon na una niyang napagwagian nang siya ay mag-champion noong 1996, matapos lumikom ng 22-puntos para talu-nin sina Valenzuena (13 pts.), Reynante (10), Baler (10) at Barnachea (10) para sa P20,000 na premyo.
Ang Stage 7 winner na si Sherwin Carrera, assistant skipper ng Caltex ay isinugod sa Baguio General Hospital matapos mabangga sa nakaparadang jeep kasama si Roberto Rodriguez na tumigil sa karera dahil sa panghihina, 40 minuto na la-mang bago matapos ang karera na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions Inc. minamando ng Philippine National Cycling Association at kinilala ng GAB at ng PhilCycling.
Bukod kina Carrera at Rodriguez, hindi rin nakata-pos ng karera si Norman Pablo ng Carguhaus na nabangga ang asong kalye, isang oras na lamang bago matapos ang karera kaya 90 riders na lamang ang natitira mula sa 96 na kumarera.