Todo na to
BAGUIO City -- May naipong lakas si Victor Espiritu ng Wow Magic Sing para sabayan si Lloyd Reynante ng Air21 sa pag-ahon sa mapang-hamong bulubundukin ng Cordillera.
Si Reynante ang nag-wagi sa 80 kilometrong Stage 7 na nanggaling sa San Fernando, La Union patungo sa malamig na lungsod na ito na nagta-pos sa tanyag na Burn-ham Park nang talunin nito sa rematehan si Espiritu ng 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa tulong ng Wow Magic Sing at Air21.
Ngunit ang runner-up finish ng 1996 champion na si Espiritu ang nagbalik sa kanya sa overall leadership para agawin ang yellow jersey kay Baler Ravina ng Cool Pap.
Inakyat nina Espiritu at Reynante ang
Ito ang ikatlong pagka-kataong magye-yellow jersey si Espiritu, ang Stage 3 Cabanatuan-Alaminos winner matapos lumikom ng pinakamababang oras na 21-hours at 8:46 mi-nuto na bumura sa kan-yang 2:56 time deficit at may 39.9 segundo nang layo sa Stage 6 Vigan-San Fernando winner na si Ravina.
“Wala sa
Mahihirapang gawin ito ni Espiritu dahil ngayon gaga-napin ang ‘killer stage’ na tinaguriang ‘Otcho-Otcho’ kung saan ang 195-kilo-metrong bababa ng Marcos, aakyat ng Naguilian, bababa ulit ng Marcos at sa Kenon Road naman ang ahon na inaasahang susubok sa tibay ng 93 riders na natitira.
“Kung sino ang overall bukas (ngayon) at may 5-minutes na lamang, swak na yun,” ani Espiritu.
Umahon ang 2004 King of the Mountain na si Rey-nante sa ikaapat na puwesto mula sa 11th overall at may 1:46 minuto na lamang na layo sa yellow jersey sa likod ng pumapangatlong si Irish Valenzuela ng Cossack Vodka na 1:43 minutes behind, kasunod ang defending champion na si Santy Bar-nachea ng Champion team na naghahabol ng 2:52 minuto para sa P50,000 individual champion price.
- Latest
- Trending