Letter to the Editor – An ugly mess behind the beauty of the street lamps
Target ng Lyceum ang kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa San Sebastian para manatiling nasa tuktok ng Shakey’s V-League habang nais naman sundan ng University of Santo Tomas ang kanilang malaking tagum-pay laban sa La Salle sa kanilang pakikipagharap sa Ateneo ngayon sa The Arena sa San Juan.
Hindi tulad ng apat na set at straight-set na ta-gumpay kontra sa Ateneo at Letran, ayon sa pagka-kasunod, inaasahang magiging mahigpit ang laban na ito para sa Lyceum kontra sa two-time NCAA champion na San Sebastian, na galing sa pahinga makaraang ang panalo sa Letran noong opening.
Ang bakbakan ay nakatakda sa alas-3 ng hapon kung saan muling sasandalan ng Lyceum sa eksplosibong troika nina Sherrilyn Carrillo, Beverly Boto at guest player Josielyn Degorostiza.
Sa kabilang dako, ang Tigresses, winner ng inaugural ng event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza noong 2004, ay makaka-laban ang Lady Eagles sa ala-una ng hapon na opener ng eksplosibong triple bill na tatampukan din ng La Salle-Adamson match sa ganap na alas-5 ng hapon sa torneong inorganisa ng Sports Vision at suportado din ng Mikasa, Accel at Jae-mark’s Restaurant.
- Latest
- Trending