Welga ikinasa ng PISTON
Kahit na may tiket na sila sa semifinals ay ipi-nakita pa rin ng Cebuana Lhuillier ang kanilang tikas.
Humugot sina Ken Bono at Macky Escalona ng pinagsamang 13 pun-tos sa final canto para akayin ang Moneymen sa 78-76 panalo kontra Toyota Balintawak at angkinin ang liderato sa second round ng 2007 PBL Unity Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Kinuha ng Moneymen ang malaking 53-38 bentahe sa third period bago itulak sa isang airball ang tangkang 3-point shot ni Patrick Cabahug sa pagtunog ng final buzzer para sa huling posesyon ng Roadkings sa huling 9.9 segundo ng fourth quarter.
Sa inisyal na laro, itinakas naman ng Super Sealers ang isang 75-72 tagumpay laban sa Whoppers na pumigil sa kanilang two-game losing skid at nagpalasap naman sa huli ng pang pitong dikit na kamalasan nito.
Nagposte si Fil-Am Ryan Reyes ng 16 puntos, 6 rebounds, 4 assists at 4 steals para sa Henkel-Sista, nakikipag-agawan sa Toyota at Burger King sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
“We were able to hold our composure in the end-game. I think that’s important for us kapag nakapa-sok kami sa quarterfinals,” sabi ni coach Caloy Garcia sa kanyang Super Sealers, nagtala ng isang 22-point lead, 48-26, sa pagsisimula ng third quarter hanggang makalapit ang Whoppers, may 4-7 marka ngayon kasama ang pitong sunod na ka-malasan, sa 55-56 agwat sa huling 42.2 segundo nito. (RCadayona)
- Latest
- Trending