LAOAG – Malapit nang umahon sa Baguio ang 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipagtulungan ng Wow Magic Sing at Air21 kaya kailangan ni Arnel Quirimit ng Mail & More na magpundar ng oras para mapangalagaan ang overall individual leadership.
Matapos magpahinga ang 96-riders, muling magba-balik sa kalsada ang mga siklista para sa 123-kilo-metrong karera na magmu-mula rito patungo sa San Fernando, La Union bago umakyat sa Baguio sa susunod na araw.
“Nagpahinga talaga ako para may pantutok ako,” pahayag ng 2003 champion na si Quirimit na magsusuot ng yellow jersey sa Stage 7 ngayon para sa ikalawang bahagi ng 10-laps, 11 days race na ito. “Eto talaga yung panghanda ko bago umak-yat ang karera sa Baguio.”
Si Quirimit ay may total time na 13-oras at 24 minuto, may 1:52 minuto lamang na distansiya sa pumapanga-lawang si Baler Ravina na sinusundan ni Feliciano na may 1:46 minutong time deficit para sa pinaglalabanang P50,000 individual prize.
”Magandang bakbakan yung mga susunod na stage lalo na yung tatlong susunod na lap na pa-Baguio,” paha-yag ng 1996 champion na si Espiritu. “Dun na magkaka-alaman talaga kaya tamang-tama yung pahinga.”
Nasa ikaapat na puwesto naman si Renato Sembrano na 2:21 minutes behind, kasunod sina Emelito Atilano (2:54), Irish Valenzuela (2:55) at ang defending champion na si Santy Bar-nachea na may 4:48 minu-tong layo sa overall.
Kabilang sa top 10 sina Desi Hardin (5:55) at Obosa (6:21).
Samantala, naglalaban naman para sa King of the Mountain na may P20,000 premyo sina Espiritu na may 4-puntos, at Barnachea na may 2 puntos habang sa Sprint King na may P20,000 prize din, nakalalamang si March McQuinn Aleonar na may 11-puntos na hina-habol nina Ferdinand Pablo at Sembrano na may tig-8 puntos.