^

PSN Palaro

Kilos-protesta lalarga sa MM

- Joy Cantos -

Nakuntento na lamang sa ikaapat na puwesto ang San Miguel-RP team na sumabak sa FIBA Asia Champions Cup na ginanap sa Tehran, Iran.

Kahit na 4th place ito, masasabing magandang accomplishment na rin para sa Nationals ang naturang puwesto dahil dumaan naman sila sa butas ng karayom bago tuluyang nakapasok sa Top 4.

Ito nga ang pinakamaganda nilang pagtatapos sapul nang  mag-5th place sila noong 2005 at pagkatapos ay hindi na nakasali dahil sa suspensiyon ng FIBA dahil sa kaguluhang naganap sa ating basketball.

Halos lahat ng bansang kasali doon ay may mga imports na gamit habang wala naman tayo.

Kasi nga bahagi ito ng ating preparasyon para sa pagba-balik sa mundo ng international basketball.

Bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa FIBA Asia Men’s Championship sa July 28-Aug. 5 sa Tokushima, Japan na siyang qualifying ng Olympic.

Ngunit bago ito, sasabak muna ang RP-5 na suportado ng San Miguel Corporation sa SEABA Championship sa May 24-28 sa Ratchaburri, Thailand.

At least may nakikitang magandang kinabukasan sa basketball.

Haay sana nga mag-qualify tayo sa Olympics. Malaking karangalan na yung mag-qualify man lang at makalaro sa pinaka-prestihiyosong sports event sa mundo.

* * *

Nagkampeon kamakailan ang Phil. Star sa kauna-unahang Sports  Club tenpin bowling tournament na ginanap sa Paeng’s Bowling Center sa Robinson’s Manila.

Ooops, champion po sa Group B ang mga first-timers ng tenpin bowling (na kilabot ng duckpin). Ang karibal na Inquirer ang nagkampeon sa Group A.

Ang Star bowlers ay binubuo nina Lito Angelo (na kabilang sa Top 10 men’s), Edgar Reyes, Ed de Lara, Roman Floresca, Alberto Magno, Diorito Valguna, Perla de Lara, Rose Monsura, Margs Ebio at ang inyong lingkod.

Nagpapasalamat kami sa sponsor na malaki ang naitulong para matuloy ang kauna-unahang tenpin bowling tournament na ito para sa mga mediamen, ang Coca-Cola na kinatawan ni Wally Panganiban.

* * *

Paki ng kaibigang taga-SMC-- Inihalal na ang mga bagong opisyal ng San Miguel Corporation (SMC) Runners Club nitong nakaraan sa University of the Philippines (UP).

Ang mga bagong opisyal ay sina Tricia Emilia Tan (President), Charmaine Rose R. Pantua (Vice President-External), Nicolo M. Chavez (Vice President-External), Hazel Joy Sagisag (Secretary), Jeanette G. Sardual (Treasurer) at Jon Hernandez III (PRO).

ALBERTO MAGNO

ANG STAR

CITY

PLACE

SAN MIGUEL CORPORATION

VICE PRESIDENT-EXTERNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with