Mayo 22, 2007

Dahil tapos na ang karera para sa dalawang outright semis berth, paglalaban naman ngayon ang dalawang twice-to-beat privilege sa quarterfinal round kung saan puntirya ng Toyota-Balintawak ang isa kontra sa Cebuana Lhuillier ngayon sa PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center.

Nasiguro na ng defending champion Harbour Centre at Cebuana Lhuillier ang dala-wang awtomatikong semis berth-- at salamat sa Dazz ‘Sang Patak na nanaig sa Toyota Roadkings, 86-73 kamakailan.

Ang panalo ng Kitchen Specialists ang nagbigay sa Batang Pier at Moneymen ng puwesto sa Final Four dahil wala ng team ang makaka-habol sa kanila. Kapwa may 8-2 baraha ang dalawa patungo sa huling dalawang laro.

At sa pantay na 5-5 rekord, may tsansa naman ang Road-kings na makakuha ng isa sa dalawang-twice -to-beat incentives. Ngunit kailangang talunin muna nila ang Moneymen sa kanilang paghaharap ngayong alas-4 ng hapon.

Maghaharap naman sa alas-2 ng hapon ang Henkel-Sista at Burger King kung saan tangka ng Whoppers na wakasan ang six-game losing run. Kapwa may magkatulad na 4-6 slates ang dalawang team.

 

Show comments