LAOAG City – Deter-minado ang Vellum team na agawin ang team title sa defending champion na Cossack Vodka.
Gamit ang mga panla-bang bisikleta at head gears, tinahak ng Vellum riders ang madulas na daan bunga ng malakas na ulan kahapon ng ma-daling araw at ang lamig ng panahon upang pa-ngunahan ang 83 km Stage 5 mula sa Vigan patungo sa bayang ito sa pagpapatuloy ng 2007 Padyak Pinoy na hatid ng Tanduay sa pakikipagtulu-ngan ng Wow Magic Sing at Air 21.
Pinatulin ng carbon fiber na disc wheel bike na gamit nina team captain Frederick Feliciano at assistant skipper Eusebio Quinones at ng mga pangkompetisyong head gears, nagsumite ang Vellum ng pinakamabilis na oras na isang oras, 48 minuto at 51.01 segundo sa kaisa-isang Team Time Trial ng 10-laps, 11-stage na karerang ito kung saan ang oras ng ikaapat na rider na tumawid ng finish line ang kinukuha.
Sabay-sabay na tuma-pos ng finish line sina Feliciano, Quinones, Rolando Burgos at Rey Martin para sa Vellum na may aggregate time na 55-hours, 33-minutes at 27.43 segundo para sa team overall kung saan pinaglalabanan ang P500,000 na premyo.
”Nakuha na rin namin sa wakas ‘yung inaasam-asam namin,” pahayag ni Velum coach Cesar Lab-ramonte. “Malaking tulong sa amin yung mga bisik-leta at head gear na ipina-dala sa amin.”
Nabura ng Vellum ang halos isang minutong distansiya sa defending champion Cossack Vodka na bumagsak sa ikala-wang puwesto at may 1:57.04 minuto pang agwat sa tropa ni Labra-monte.
Hindi naman nababa-hala si Cossack Vodka coach Renato Dolosa.
“Hindi naman masya-dong malaki ang layo ng oras namin. Kaya pang habulin ‘yan. May akyatin pa. ”Nasa third place ng team overall naman ang Cool Pap na may 4:33 minutong distansiya kasu-nod ang Mail & More na may 5:03 minutong agwat at ang stage runner-up na Champion team ni defending individual champion Santy Barnachea na may 5:25 minutong time deficit.
Magpapahinga muna ngayon ang karera na inorganisa ng Dynamic Outsource Solutions Inc. sa pangunguna ni Gary Cayton at minamando ni Paquito Rivas ng Philippine National Cycling Association.
Ito ay sanctioned ng PhilCycling ni Bert Lina at supervised ng Games and Amusements Board ni chairman Eric Buhain.
Inaasahang magiging mahigpit ang labanan para sa overall individual title nina defending champion Santy Barnachea, overall leader Arnel Quiri-mit, Victor Espiritu, Frede-rick Feliciano, Baler Ravina at Lloyd Reynante sa pagpapatuloy ng kare-ra bukas para sa ikala-wang bahagi ng kompetis-yon kung saan magkaka-subukan ng galing sa pag-akyat sa Baguio.