DENR urges all bets to clean up poll materials

Kinumpirma na ng manager ni world super featherweight champion Joan Guzman na si Jose Nunez ang pag-aayos nila ng laban kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa Oktubre 6. 

Ayon kay Nunez, ang laban ni Guzman, ang kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) champion, kay Pacquiao ang kanilang prayoridad matapos makansela ang paghahamon ng Dominican fighter kay WBO interim lightweight titlist Michael Katsidis sa Mayo 26. 

“Our bout with Katsidis has been postponed for August 11. Even if that doesn’t come through we look forward to taking on Pacquiao on October 6,” wika ni Nunez. “We will hold on to our title and hopefully be able to defend it on October 6.” 

Matatandaang inihayag na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang pagtatakda niya ng Pacquiao-Guzman super featherweight championship sa Oktubre 6.

Si Guzman ay nasa ilalim ng Sycuan Ringside Promotion, kabahagi ng Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya, na siyang may huling desisyon kung sino ang sasagupain ng WBO super featherweight king. 

Bukod kay Guzman, ang iba pang nasa listahan ni Arum na posibleng makalaban ni Pacquiao, ang World Boxing Council (WBC) International super featherweight champion, ay sina dating WBC king Marco Antonio Barrera, World Boxing Association (WBA) ruler Edwin Valero at WBC No. 3 contender Humberto Soto. 

Si Soto ay nakatakdang sumagupa sa utol ni Pacquiao na si Bobby sa isang non-title fight sa Hunyo 9 sa Madison Square Garden sa New York City. Maliban kay Pacquiao, gusto ring hamunin ni Scottish boxer Alex Arthur si Guzman para sa suot nitong WBO crown, dagdag ni Nunez.  (Russell Cadayona)

Show comments