^

PSN Palaro

DepEd prepares for school opening

-

VIGAN, Ilocos Sur – Nabawi ng defending champion Cossack Vodka ang pangunguna sa team competition matapos ang mahaba at nakakapagod na Stage 4 ng 2007 Padyak Pinoy na nagbuhat sa Alaminos City patungo sa makasaysayang bayang ito.

Nagtapos bilang third ang mga Cossack riders sa 267-kilometrong karera sa ilalim ng tirik na araw sa tabing dagat matapos magsumite ang apat na siklista ng  27 hours, three minutes at 58.761 seconds para mabawi ang pangunguna mula sa Cool Pap na umagaw ng liderato noong Stage 3.

Sa kabuuang oras na 53:43:39.380, ang Cossack ni coach  Renato Dolosa ay mayroon nang 57.040-second kalamangan kontra sa Vellum,  na nanguna sa lap kahapon sa oras na 27:02:13.671.

Pinangunahan nina team skipper Renato Sambrano at assistant Michael Reyes. Bumagsak ang Cool Pap sa fourth sa overall team standings matapos pumanglima sa stage.

Pumangatlo naman ang Mail & More  na may, 1 minute at 44.220 segundong distansiya kasunod ang Cool Pap na 3:25.379 behind.

”Talagang inasahan namin na magbabago ang standings dito sa lap na ito,” ani Dolosa. “Pero matagal pa din ang karera. Wala pa ring malinaw hanggang hindi nakakadating ng Baguio (stages).”

vuukle comment

ALAMINOS CITY

COOL PAP

COSSACK VODKA

ILOCOS SUR

MICHAEL REYES

PADYAK PINOY

RENATO DOLOSA

RENATO SAMBRANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with