Mayo sa probinsiya
TEHRAN — Sinorpresa ng San Miguel-RP Team ang paboritong Blue Star ng Lebanon, 94-83 para makapasok sa semifinals ng 18th FIBA Asia Champions Cup sa Azadi Stadium dito.
Nagpamalas ng impresibong depensa at opensa ang Nationals upang maitala ang malaking upset upang humaba ang kanilang kampanya matapos matalo sa unang tatlong laro ng torneong itong gagamitin ng RP Squad na preparasyon sa dalawang malalaking international tournaments.
”We were playing our fifth game in five days and lacking one player (injured Tony dela Cruz), yet we found a way to win. All of these are the result of our fighting heart,” sabi ni coach Chot Reyes ng All-Pro RP team na nakapag-adjust na sa tema ng international play.
Pinangunahan ni Mark Caguioa ang apat na Nationals na nagsumite ng doube figures ngunit malaking bagay ang mahusay na depensa na ipinamalas ng mga Pinoy para sa panalo.
Naasahan sina Dondon Hontiveros, Caguioa at Danny Seigle sa pagdedepensa eksplosibong import ng Blu Star na si William Pippen habang nagtulungan naman sina Kerby Raymundo, Rico Villanueva at Ranidel de Ocampo para pigilan ang star player ng Lebanon na si Fadi El Khatib.
Si Khatib ang nagsumite ng game-high na 28 points at 10 rebounds ngunit sa third quarter lamang ito nakagawa habang nalimitahan naman si Pippen sa walong puntos, na malayo sa kanyang average na 25 puntos sa torneo.
Dahi dito, umabante ang Nationals ng hanggang 18 at hindi nila hinayaang magtagumpay ang mga Lebanese sa kanilang paghahabol.
Nasiyahan naman si PBA commissioner Noli Eala, na dumating dito kasama si Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director nominee Patrick Gregorio nitong Biyernes sa narating ng RP team.
Magsasagupa ang Nationals at Al Jalaa ng Syria na nagtala ng 102-79 panalo laban sa Young Cagers ng India sa Biyernes ng alas-8:45 ng gabi ng Sabado (1:15 ng madaling araw ng Linggo sa Manila).
Ang isa pang semis pairing ay sa pagitan ng Saba Battery ng Iran at Al Rayyan ng Qatar.
- Latest
- Trending