^

PSN Palaro

‘Oplan Laglag’ umariba na!

-

TEHRAN — Puntirya ng San Miguel-RP team na maipagpatuloy ang natututunang karanasan sa 18th FIBA Asia Champions Cup sa kanilang pakikipaglaban sa Blue Star ng Lebanon dito sa Azadi Stadium.

Ang laban ay nakatakda sa ganap na alas-4:15 ng hapon (8:45 ng gabi sa Manila) na siyang panimula ng quarterfinals ng torneong naging praktikal na classroom para sa mga Pinoy sa kanilang kampanyang mapalakas ang team para sa mas importanteng torneo sa hinaharap.

At upang mapalawig ng Nationals ang kanilang pakikipaglaban at natututunan mula sa pangunahing ball clubs ng rehiyon, kailangang makalusot sila sa Lebanese na wala pang talo sa 3-team Group A.

Hindi makakalaro si Tony dela Cruz para sa San Miguel dahil sa tinamong sprain sa kaliwang bukung-bukong na kanyang nakuha sa kanilang 99-80 panalo laban sa Al Muharraq ng Bahrain noong Miyerkules.

At sa ikalawang sunod na pagkakataon rin, ang Nationals ay lalaro na walang naglalakihang import na tulad ng reinforcement ng Lebanon na sina 6’10 John Carter at 6’6 William Pippen na isang kamag-anak umano ng dating NBA star na si Scottie Pippen.

Ang dalawang American imports ay pawang epektibo kasama ang puwersa ng Lebanon star national player na si El Fadi El Khatib.

Ang panalo sa Lebanon ay magsusulong sa Nationals sa semifinals habang ang kabiguan ay magbabagsak sa kanila para sa 5th place na pagtatapos.

vuukle comment

AL MUHARRAQ

ASIA CHAMPIONS CUP

AZADI STADIUM

BLUE STAR

EL FADI EL KHATIB

GROUP A

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with