Nabihag ni Eliz

Tuwang-tuwa si  Kelvin Dela Peña sa tinatakbo ng kanyang team sa PBL ngayon.

Naglalaro si Kelvin para sa Cebuana Lhuillier, at bago ang laro nila kahapon, tournament leader ang Cebuana Lhuillier at sigurado na silang Top 2 sa eliminations.

“We’re playing great as a team, and though we’re a new team, we’ve been playing well together. And if we continue to be playing like this, I guess we’re bound to score more wins,” sabi ni Kelvin.

* * *

Si Kelvin ay isa sa mga inaasahang players ng Mapua Cardinals sa darating na NCAA season.

Nasa ikaapat na taon na siya this year and he hopes that this year, makukuha na nila ang kampeonato sa NCAA.

“It’s a tall order lalo na because San Beda is still an intact team at nasa kanila pa rin si Sam Ekwe. But we will be trying our best. Last year, we made it to the Final Four and this year, we hope to fare better,” sabi ni Kelvin.

Kelvin hopes to be in the PBA someday but for the meantime, ang focus niya ay sa kanyang PBL team at sa darating na NCAA 2007 season.

* * *

Isa sa mga bagong players ng Mapua Cardinals na sinasabi ni Kelvin ay si Jonathan Banal, ang anak ng basketball coach na si Koy Banal.

Si Jonathan ay 19 years old, pointguard ang posisyon at naglaro sa junior team ng FEU sa UAAP. Nag-enrol si Jonathan ng Industrial Engineering course sa Mapua at sa pagpasok niya, first year college na siya. Inaasahang pasok na rin siya sa Mapua Cardinals team dahil maganda naman ang ipinakita niya sa tryouts. Bilib din sa style niya si coach Leo Isaac.

“Malaki ang prospects ng batang yan. I hope he can be a big help to the team,” sabi ni Coach Leo.

* * *

Excited si Jonathan na makalaro na sa NCAA. Dalawang taon din siyang naglaro sa FEU junior team and this time, he’s bound to play in the NCAA.

“Sa Mapua naglaro ang daddy ko at dito rin naglaro ang uncle ko na si Coach Joel. I’m happy na sa Mapua ako makapaglalaro sa college. Alam ko mahirap ang pag-aaral sa Mapua pero I’ll try my best na pagsabayin ang academics at athletics.”

Si Jonathan ay 5’7 lang pero mabilis at magaling mag-dala ng bola. Sa FEU nung junior years niya ay kasama siya sa starting five lagi at kalaban nila noon ang Ateneo Blue Eaglets.

Kaya sanay na sanay na siya sa championship pressure at sa presence ng maraming tao sa coliseum.

* * *

Dela Peña and Banal—two of the best college players we’ll be expecting to play it big in the 2007 NCAA season.

Aabangan natin sila.

Show comments