^

PSN Palaro

Mayo 18, 2007

- Madam Rosa -

Sisikapin ng Red Bull at Alaska na higit na ma-kalapit sa awtomatikong semifinal slot sa pakiki-pagharap sa magkahi-walay na kalaban ngayon sa pagpapatuloy ng Talk N Text PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Ngayong tapos na ang eleksiyon, magbaba-lik na sa hardcourt si coach Yeng Guiao, ang re-elected vice-governor ng Pampanga, upang igiya ang Bulls kontra sa kulelat na Welcoat sa pambungad na labanan.

Sa ikalawang laro, makakasagupa naman ng Aces ang Purefoods TJ Giants sa alas-7:20 ng gabi.

Saktong-sakto ang pagbabalik ni Guiao na nawala ng siyam na laro, dahil kailangang-kaila-ngan ngayon ng Red Bull ang kanyang coaching expertise sa pagkawala ng kanilang key player na si Enrico Villanueva na kabilang sa San Miguel-RP team na kasaluku-yang kumakampanya sa FIBA-Asia Champions Cup sa Tehran, Iran.

Ang Red Bull at Alaska ay kabilang sa three-way-tie sa 9-5 record kasama ang walang larong Air21 sa likod ng nangungu-nang Barangay Ginebra na may 10-4 kartada.

Huling nakasama ng Bulls si Villanueva sa 93-98 pagkatalo laban sa San Miguel sa Cebu noong Sabado at hangad nilang makabangon sa kabiguang ito.

Baon sa kulelat na posisyon ang Welcoat na lumasap ng ikalimang sunod na talo sanhi ng kanilang 3-11 kartada at sisikapin nilang maka-ahon sa posisyong ito upang makasama sa wild card phase para makaiwas sa maagang pagbabakasyon.

Palalakasin naman ng Purefoods na galing sa 117-105 panalo laban sa league leader na Gin Kings na nagsulong sa kanila sa 5-10 record, ang kanilang tsansang makapasok sa quar-terfinals.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang San Miguel (6-7) at Coca-Cola (6-8) sa The Arena sa San Juan. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ANG RED BULL

ARANETA COLISEUM

ASIA CHAMPIONS CUP

BARANGAY GINEBRA

ENRICO VILLANUEVA

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with