“Naiwagayway muli ang bandilang Pilipino”
Ito ang mga kataga ni Noelle Wenceslao, ang unang Pinay na nakarating sa tuktok ng Mr. Everest sa tawag nito sa Philippine base camp matapos ang matagumpay na pag-akyat sa oras na 6:10 am Nepal time (alas-8:10 sa Maynila).
Kasunod lang niya matapos ang sampung minuto si Carina Dayondon at Janet Belarmin.
Inilista ng tatlong Pinay ang kasaysayan bilang unang Asean na babaeng matagumpay na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest. Sila ang unang babaeng mountain climbers na tumahak sa Everest mula Tibet hanggang Nepal side-- ang tagumpay na inilista nina Leo Oracion at Pastour Emata, ang unang Pinoy na nakarating sa tuktok ng mapanganib at matayog na Mr. Everest.
Ang mga Pinay climbers na suportado ng ABS-CBN, ay bababa sa Nepalese base camp sa North side matapos umakyat sa matarik na south side ng Tibet.