^

PSN Palaro

Nasaan na ang libreng pa-uniporme ng isang basketball league?

SLAMDUNKER - Nap Gutierrez -
Tutuo ba na pinanga-kuan ng mga organizers ng isang basketball league na ang lahat ng sasali na college teams sa kanilang liga ay bibigyan nila ng libreng uniporme?

Pero nasa kalagitnaan na daw ang naturang liga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapa-unipor-mahan yung isang college team?

Kapag nagtatanong na daw si coach kung nasaan na yung libreng pa-unipor-me para sa team niya, inayos na raw nila sa isang dating pro player na ang business ay ang tahian ng basketball uniform.

Pero nung tawagan ni coach si dating pro player para i-follow up yung uniform, nagulat si pro player dahil paano raw niya gaga-win ung uniform eh  wala naman daw advice sa kan-yang gawin na ang unipor-me.

Naloka na si coach dahil pinagpasahan-pasahan na raw siya.

Umabot kaya ang uniporme hanggang sa matapos ang liga? Tutuo ba kasi ang libreng pa-unipormeng yan?

Nagtatanong lang po...
* * *
Nalagpasan na nina Kris Aquino ang anumang unos sa relasyon nila at ngayo’y mukhang okay na okay na sila.

Mabuti naman at naayos din ang lahat matapos ang malaking intriga sa pagsasamahan nila.

At sana nga ay tumagal na ang magandang pagsa-samahan na ito, at huwag na muling dungisan ng gulo.
* * *
Buntis na rin daw si Danica Sotto dahil mukhang tumataba ito. Sana nga.

Eh ano naman kung nagdadalantao na siya?
* * *
Nakupo, nakauwi na sina Boom Boom Bautista at Banal pero wala raw engrandeng salubong. Something that is usually afforded para kay Manny Pacquiao.

Sabi sa balita sa radyo kahapon, wala man lang daw welcome party. Talaga naman.

Busy lahat sa pangangampanya kaya nakalimutan na ang kabayanihan nung dalawang boksingero?
* * *
Binabati ko ang masugid na Pilipino Star Ngayon reader na si Rosa Rubio ng Kat and Klang seafoods sa Dampa sa Macapagal Ave., Pasay City.

BOOM BOOM BAUTISTA

CENTER

DANICA SOTTO

KAT AND KLANG

KRIS AQUINO

MACAPAGAL AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with