Nakatakdang sagupain ni light flyweight Bert Batawang si Francisco Rosas ng Mexico sa Mayo 26 sa Anaheim, California, USA kung saan ang kanyang panalo ay manga-ngahulugan ng isang title shot.
Kasalukuyang suot ni Mexican Ulises Solis, kapatid ni super featherweight Jorge Solis na pinabagsak ni Filipi-no international super featherweight champion Manny Pac-quiao, ang International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown.
Nakakuha na si Batawang ng US visa mula sa American Embassy sa Manila kasabay ng kanyang trainer na si Jeremiah Quijano upang makabiyahe sa US sa susu-nod na linggo.
Matatandaang inayawan ng kampo ni Rosas ang naturang eliminator fight nila ni Batawang sa paghingi ng mas malaking premyo.
Ngunit nagbago ang isip ng naturang grupo nang ihayag ng IBF na nakataya sa nasa-bing laban ang paghahamon kay Solis.
Ito naman ay pinatoto-hanan ni international matchmaker Sampson Lewkowicz, nasa corner ni Sergio Manuel Medina ng Argentina nang talunin ito ng 20-anyos na si Bautista sa kanilang super bantamweight eliminator noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.
Sa panalo ni Bautista, sasagupain niya si World Boxing Organization (WBO) super bantamweight titlist Daniel Ponce De Leon ng Mexico.
Ang Batawang-Rosas eliminator naman ay undercard sa banggaang Joan Guzman-Michael Katsidis fight at Oscar Larios-Jorge Linares bout sa Mayo 26 sa Anaheim, California. (Russell Cadayona)