Harbour Centre kakapit ng mahigpit
May 10, 2007 | 12:00am
Sa anim na laro ng defending champion Harbour Centre, iisa lamang ang kanilang talo at ito’y laban sa Burger King na pinagsamantalahan ang kanilang kakulangan sa pag-hahanda sa kanilang debut game sa umiinit na 2007 PBL Unity Cup.
Ngayon ay may pag-kakataon ang mga Batang Pier na gumanti sa kabiguang ito hangad ang ikaanim na sunod na panalo para maging mata-tag sa liderato sa pagbabalik ng aksiyon sa Olivarez Sports Center.
Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang Harbour Centre na paghandaan ang kumperensiyang ito matapos katawanin ang bansa sa SEABA Champions Cup sa Jakarta Indonesia kung saan ginamit ang core ng team na sinamahan ng dalawang imports at iba pang players.
Matagumpay na nai-uwi ng RP-Team-Harbour Centre ang titulo sa unang international appearance ng bansa pag-katapos ng dalawang taong suspensiyon ng FIBA ngunit kapalit nito ay kabiguan ng Batang Pier sa kanilang unang asignatura kontra sa Burger Whoppers, 81-77.
Pagkatapos ng kabiguang ito, nakabalik ang Batang Pier sa kanilang dating porma at limang sunod na panalo ang kanilang tinuhog upang kunin ang 5-1 win-loss slate para sa pangkalahatang pamumuno.
Sa kabilang dako, dala-wang sunod na talo ang nila-gok ng Burger King matapos ang apat na dikit na panalo at sisikapin nilang makabangon upang saluhan ang mga Batang Pier sa pangunguna.
Kung magtatagumpay ang Burger Whoppers na may 4-2 record, sa alas-2:00ng hapong sagupaan, magkakaroon ng three-way tie sa liderato kung saan makakasama ang pahi-ngang Cebuana Lhuillier Pera Padala na nagsosolo sa ikala-wang puwesto taglay ang 5-2 win-loss slate.
Sa ikalawang laro, magha-harap naman ang Toyota Balintawak at Henkel Sista sa alas 4:00 ng hapong sagu-paan.
Nagsimula ang Super sealers sa apat na sunod na talo ngunit nakaahon na sa ilalim ng team standings matapos ang tatlong sunod na tagum-pay at hangad nilang maipag-patuloy ang kanilang winnings streak upang pantayan ang Road Kings na may 3-3 kartada. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am