"I am here to do what I promised. I am here for Manny no matter what," pahayag ni Arum sa Phil-boxing.com nang mag-stopover ito sa Vancouver, Canada mula sa Las Vegas patungong Manila.
Nang nagsasanay pa si Pacquiao sa kanyang laban kontra kay Jorge Solis, na kanyang pinatulog sa ikawalong rounds noong nakaraang buwan, inimbitahan ni Pacquiao si Arum na dumalaw sa Pilipinas at tulungan siya sa kanyang kampanya para sa May 14 election.
"I have decided to accept his invitation to go to Gen.Santos City to stump for him. With all his success,Manny has not lost touch with the people," wika pa ni Arum, isang abogado na minsang nagsilbi sa US Justice Dept. noong panahon ng pagka-pangulo ni John F. Kennedy.
At nang tanungin kung sino ang posibleng su-sunod na makakalaban ni Pacquiao sinabi ni Arum na malamang sa Nobyembre pa ito muling maka-akyat sa lona at sinuman kina Joan Guzman, Hum-berto Soto at Marco Antonio Barrera ang malamang na makaharap ng Pinoy.
"If Manny wins, that will make him a very, very unique individual and that would open a lot of possibilities for him," anang 75-year-old na si Arum.
Ang 28 anyos na si Pacquiao, ay tumatakbo bilang congressman kontra sa incumbent na si Darlene Antonino-Custodio sa isa sa pinakahihintay na bak-bakan sa congressional seat sa kasaysayang ng local poll.
At ito rin ang ikatlong pagkakataon na bibisita sa bansa si Arum. Ang una ay noong 1975 nang tumu-tulong siya sa pagpo-promote ng Ali-Frazier Thrilla in Manila at ikalawa noong Diysembre nang ihayag ni Pacquiao ang kanyang pakikipag-tambalan sa Top Rank ni Arum.
Samantala, nakatakdang dumating ngayon ang mga bagong bayani sa boxing na sina Rey ‘Boom Boom’ Bautista at AJ Banal matapos ang matagum-pay na pakikipaglaban sa Las Vegas, Nevada noong Linggo.
Ang 20 anyos na si Bautista ay nagwagi kay Argentinian Sergio Medina sa unanimous decision ng kanilang 12 round bout habang nanaig naman ang 18 anyos na si Banal kay Mexican boxer Alberto Rosas.