Ang imbitasyon ay galing sa United States Professional Pool Players Association (UPA) at Dragon Promotions.
Nakatakda ring tumumbok si Corteza sa Florida Pro Tour Stop 10-Ball tournament sa Hunyo 2-4 sa Capone’s Billiards Hall sa Spring Hill, Florida.
Kumpiyansa ang 4-time SEA Games gold medalist na si Corteza, na makakakuha ng US visa upang maka-sama ang mga iba pang Pinoy na naimbitahan na sina hall of famer Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante, Alex Pagulayan, Marlon Manalo, Jose Parica, Santos Sambajon, Ro-nato Alcano, Dennis Orcollo, Warren Kiamco, Gandy Valle at Russian Petiza.
Makikipaglaban ang mga Pinoy sa mga kilala at mahuhusay na man-lalaro mula sa host country na sina Earl Strickland, Johnny Archer, Charlie Williams, Rodney Morris, Corey Deuel at Gabe Owen at iba pa.
Makakasama din sa world 10-Ball tournament sina Ralf Souquet, Thorsten Hohmann at Thomas Engert ng Germany, Mika "The Iceman" Immonen at Marko Lohtander ng Finland, Wu Chia-ching at Yang Ching-shun ng Chinese-Taipei, Raj Hundal at Darren Appleton ng England, Kunihiko Takahashi at Hayato Hijikata ng Japan, Shin Park at Ga Young-kim ng Korea, David Reljic ng Australia, Erik Hjorliefsen at Luc Salvas ng Canada, Ditto Acosta ng Aruba, Ernesto at Oscar Dominguez ng Mexico, Vilmos Foldes at Sandor Tot ng Hungrary, Konstantine Stepanov at Evgeny Stalev ng Russia, Marcus Chamat ng Sweden, Fabio Petroni ng Italy at Jasmine Ouschan ng Austria.