^

PSN Palaro

Shakey’s V League papalo sa Linggo

-
Muling pupukaw ng pansin ang women’s volleyball sa susunod na linggo sa pagbubukas ng ikaapat na season ng Shakey’s V-League sa The Arena sa San Juan.

Inaasahang mas magiging kapana-panabik ang pagsasagupa ng walong varsity schools sa pangunguna ng De La Salle University na naghahangad makopo ang kanilang ikaapat na titulo.

Magiging mahigpit na kalaban ng La Salle, back-to-back champion noong 2005-06 ng torneong ito na hatid ng Shakey’s Pizza at Sports Vision Management Group, Inc. (SVMGI), ang University of Santo Tomas, reigning UAAP titlists.

Ipinagpatuloy ng Shakeys na nais matulungan ang naturang sport para itaas ang antas ng laro, ang pakikipagtulungan sa nag-organisang SVMGI bilang title sponsor mula sa pagiging dating presentor.

"Consistent with its mission and vision when it first teamed up with the SVMGI, the International Family Food Services Inc. (IFFSI) and Shakey’s want to strengthen its partnership with Sports Vision in order to further help and develop volleyball in the Philippines," sabi ni Shakey’s Pizza general manager Vic Gregorio na panauhin sa PSA Forum sa function room ng Pantalan Restaurant sa Manila.

Magkakaroon ng simpleng opening rites para sa unang kumperensiya ng liga kung saan bibigyan ng tribute si dating PBA commissioner at SVMGI president Emilio "Jun" Bernardino na siyang bumuhay ng sport.

"It is but fitting to honor Jun B., whose untimely demise left a big void not only in our organization but in the sport as well as in basketball. But we will keep his legacy and continue with what he has started," ani Martelino.

Ang iba pang kalahok na team sa torneong ito na suportado rin ng MIKASA at ACCEL, ay ang mga top teams sa UAAP at NCAA na kinabibilangan ng San Sebastian College-Recoletos, NCAA’s 2005 at 2006 back-to-back champion, Lyceum of the Philippines, Letran College, Adamson University, Far Eastern University at Ateneo de Manila.

Ang NBN-4 ang official coveror at ang The Arena sa San Juan ang bagong tahanan ng liga na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado ng alas-2:00 ng hapon ngunit ang mga laro ay tuwing Linggo, Martes at Huwebes na may tatlong laro kada-araw simula ala-una ng hapon. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

INTERNATIONAL FAMILY FOOD SERVICES INC

JUN B

SAN JUAN

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with