^

PSN Palaro

Cebuana Lhuillier matatag sa ikalawa

-
Sinolo ng Cebuana Lhuillier-Pera Padala ang ikalawang puwesto habang ipinagpatuloy naman ng Henkel Sista ang kanilang pagbangon mula sa ilalim ng team standings matapos ang magkahiwalay na panalo sa PBL Unity Cup na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.

Sumandal ang Money Men kina Alfie Grijaldo at Mark Yee upang pigilan ang paghahabol ng Dazz ‘Sang Patak tungo sa kanilang 72-65 panalo sa tampok na laro.

Nangibabaw naman ang Fil-Am na si Ryan Reyes upang tulungan ang Henkel Sista na sumulong sa ikatlong sunod na panalo sa pamamagitan ng 67-61 panalo kontra sa San Miguel sa unang laro.

Humakot si Reyes ng 20-puntos bukod pa sa tig-limang rebounds at steals at apat na assists para sa Super Sealers na umarangkada sa ikatlong quarter upang ipagpatuloy ang kanilang pagbangon mula sa 0-4 simula.

Angat na sa 64-54 ang Henkel Sista nang magbanta ang Beverage Masters sa 59-64 patungo sa huling 56.3 segundo ng laro ngunit natigil ang kanilang paghahabol nang ibuslo ni Ronnie Matias ang dalawang freethrows at di na nakaporma pa ang San Miguel Magnolia na lumasap ng kanilang ikalimang talo sa pitong laro.

Ikinamada ni Grijaldo ang anim sa kanyang 12-puntos sa ikaapat na quarter habang isang tres naman ang ikinonekta ni Yee tungo sa kanilang ika-limang panalo sa pitong laro upang sumegunda sa likod ng nangungunang defending champion Harbour Centre na may 5-1 win-loss slate. (Mae Balbuena)

ALFIE GRIJALDO

BEVERAGE MASTERS

CEBUANA LHUILLIER-PERA PADALA

HARBOUR CENTRE

HENKEL SISTA

MAE BALBUENA

MARK YEE

MONEY MEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with