DI KUNTENTO SA RESULTA NG MAYWEATHER-DE LA HOYA MATCH

Kahit mga Pinoy, duda sa kinalabasan o resulta ng laban nina Floyd Mayweather at Oscar De La Hoya kung saan napagwagian ng una ang titulo via split desicion.

Sa tingin ng nakararaming nanood, lamang na lamang si De La Hoya kaysa kay Mayweather.

Ultimo nga ang matandang Mayweather daw ay hindi kumbinsido sa resulta.

Ang matandang Mayweather kasi ang dating trainer ni De La Hoya.

Napailing nga rin pati ang magandang asawa ni De La Hoya makaraang ihayag ang resulta na pumabor kay Mayweather.

Ganyan talaga ang boksing! At least hindi lang sa Pinoy may nangyayaring ganun maging sa mga Amerikano at siguro naman maging sa iba pang boksingero ay ganyan din.

Kaya tiyak na tiyak ang rematch sa pagitan ng dalawa.
* * *
Very impressive din ang performance ni Rey ‘Boom Boom’ Bautista at AJ Banal, ang dalawang Pinoy na kasama sa undercard nang pinakamahal na laban sa Las Nevas.

Matindi ang kalaban ng dalawang Pinoy dahil talagang tumagal ng nakatakda nilang 8 at 12 rounds, ayon sa pagkakasunod, kontra sa kani-kanilang mga kalaban-- si Banal kontra kay Alberto Rosas ng Mexico at si Bautista naman laban kay Sergio Manuel Medina ng Argentina.

Matindi ang laban ni Bautista dahil muntik na talaga ang batam-batang boksingero mula sa Bohol.

Pinabagsak ng Argentinian ang Pinoy sa 7th round at akala ko nga kahit nakabangon ito ay hindi na makakabalik sa dating porma.

Kaya naman bumawi ito nang sa 11th round ay isang right straight ang ibinigay ni Boom Boom kay Medina na nagpabagsak sa kanya sa lona at halatang na-groge ng husto dahil hindi na ito naka-counter tulad nang kanyang ginagawa sa mga naunang round kapag tinatamaan siya ni Boom Boom.

At dahil sa panalong ito ng dalawang Pinoy siguro naman deserving na mabigyan sila ng hero’s welcome pagbalik nila dito sa Pinas.
* * *
Maglalaban ngayon ang RP national team vs PBA imports.

Bahagi ito ng kanilang ensayo para sa kanilang pagsabak sa FIBA Asia Champion’s Cup sa Tehran, Iran sa Mayo 12-20. Sana naman huwag masyadong mag-expect ang marami sa kalalabasan ng resulta nito dahil bahagi lang ito ng kanilang pagsasanay.

Kasunod pa nito ang SEABA Men’s Championship sa Thailand at FIBA Asian Championship sa Japan.

Sana naman maging maganda ang resulta sa tatlong international event na sasalihan ng Nationals na suportado ng San Miguel Corporation.
* * *
Happy birthday kina Weng del Prado (bansa editor ng PSN), Ronnile Halos (opinion editor ng PSN) sa May 13. Blowout naman! Happy birthday din kay Louie Portuguese (May 13).

Show comments