Bobby Pacquiao kay Roach magsasanay

Mismong si 2006 Trainer of the Year Freddie Roach ang mangangasiwa sa preparasyon ni Filipino super featherweight champion Bobby Pacquiao para sa kanyang laban kay Mexican Humberto Soto sa Hunyo 9 sa Madison Square Garden sa New York City. 

Nangako si Roach kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao na personal niyang pamamahalaan ang pagsasanay ng 26-anyos niyang utol na si Bobby. 

"Manny asked me if I would train his brother Bobby Pacquiao for his fight against Soto. And I told him yes I would do my best to get Bobby in shape," wika ni Roach. "Bobby is at the Wild Card Gym right now getting in shape." 

Ito ang unang pagkakataon na magbabalik sa ibabaw ng lona si Bobby matapos hubaran ng World Boxing Council (WBC) ng suot niyang Continental Americas crown kontra kay Israel Velasquez noong Nobyembre ng 2006.

 Inalisan ng WBC si Bobby ng titulo dahilan sa pagiging overweight nito na isinisi naman niya sa pagiging abala ni Roach sa paghahanda ni Pacquiao kay Erik Morales noong Nobyembre ng nakaraang taon.      

"I’ll be prepared. I’m working hard in the gym with Justin (Fortune). I won’t have trouble making weight," sabi ni Bobby. "I now weigh about 137 and the limit for the fight is 133."

Maliban sa pag-aalis ng korona, pinatawan rin si Bobby ng WBC ng isang $25,000 fine. 

Sa kabila ng pagiging overweight, pinayagan pa rin si Bobby na makasagupa si Velasquez kung saan naman siya nadiskuwalipika bunga ng kanyang mga low blows sa 11th round. (RCadayona)

Show comments