^

PSN Palaro

Boom Boom, Banal may ipagmamalaki rin

-
Katulad ng kanilang ipinangako, kapwa ipinakita nina Rey "Boom Boom" Bautista at AJ "Bazooka" Banal ang husay at kakayahan ng mga Filipino sa harap ng halos 7,000 manonood sa "The World Awaits" sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kahapon.

Umiskor si Bautista ng isang unanimous decision kontra kay Sergio Manuel Medina ng Argentina sa kanilang eliminator para makasagupa si World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon ng Mexico. 

Dalawang beses pinabagsak ng 20-anyos na tubong Candijay, Bohol ang 25-anyos na si Medina sa 6th at 11th round upang kalimutan ang ibinilang sa kanyang standing eight count ni referee Robert Byrd sa 7th round buhat sa isang right cross ng Argentine fighter.

"Medyo nasaktan ako doon pero hindi ko na inisip, basta ang ginawa ko tinibayan ko lang ang loob ko," paliwanag ni Bautista, may 23-0 win-loss ring record ngayon kasama ang 17 KOs kumpara sa 28-1 (22 KOs) ni Medina.

Sa katapusan, nakatanggap si Bautista ng 116-108 kay Dave Moretti, 115-109 kay Paul Smith at 115-109 kay CJ Ross laban kay Medina.

Sa panalo ni Bautista, inaasahang paplantsahin na ng Golden Boy Promotions ang kanilang world super bantamweight championship fight ng 26-anyos na si Ponce De Leon, tumalo kay Gerry Peñalosa noong Marso 17.

"Boom Boom can really be another world champion from the Philippines," wika ni Oscar Dela Hoya ng Golden Boy. "He has the talent, the strength and the right attitude to be one of the best super bantamweight fighters today." 

Isang eight-round unanimous decision naman ang nasuntok ng 18-anyos na si Banal laban kay Alberto Rosas ng Mexico sa kanilang non-title super flyweight bout sa likod ng kanyang nakuhang 78-73, 78-73 at 76-75 puntos buhat sa mga hurado.

Itinaas na ni Banal ang kanyang kartada sa 13-0-1, habang may 25-3 naman si Rosas, nasa ilalim ni dating world super featherweight titlist Marco Antonio Barrera. (R. Cadayona)

ALBERTO ROSAS

BAUTISTA

BOOM BOOM

DANIEL PONCE DE LEON

DAVE MORETTI

GERRY PE

GOLDEN BOY

GOLDEN BOY PROMOTIONS

GRAND GARDEN ARENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with