‘Oh I thought tubig, toothpick pala’
May 2, 2007 | 12:00am
Isang sikat na PBA player ang umiiwas kapag kinakausap na siya ng import nila.
Naubusan daw kasi siya ng Ingles kapag nagkakausap na sila.
Puro "actually" at "yeah" at "No, I don’t think so" na lang ang alam niyang isagot kay import kapag tinatanong siya nito.
Kaya kapag lalapitan na raw ni import, nagkukunyari siyang may ginagawa at tumatalikod na lang siya.
Actually, good move.
Ganyan din ang problema ng isang college player sa team-mate nilang hindi marunong mag-tagalog.
Kapag nagkakausap na sila, hirap na hirap siyang mag-ingles at di niya talaga malaman kung paano pahahabain ang conversation nila.
Natatawa na lang si college player sa sarili niya kapag nagsasalita na siya ng ingles kapag kausap niya si foreigner na player.
Tawa siya nang tawa dahil minsan daw silang nagkakuwentuhan, nasabi niya kay foreigner na "blessing in the skies" imbes na "blessing in disguise’.
At nung minsan daw na sinuway siya ni foreigner-player matapos niya itong winarningan na huwag maglalakad sa isang mataong lugar diyan sa may university belt at paglaon ay nadukot ang wallet nito, ginamit niya ang pamosong linyang, "I told you not to go, you go to, look at".
Ang ibig sana niyang sabihin, " sinabi ko sa iyong huwag kang pupunta diyan, pumunta ka, tingnan mo." Nakakaloka!
Ewan daw niya kung naiintindihan siya ni foreigner kasi napangiti raw ito matapos ang litanya niya.
Kuwento naman ng isang ballboy ng isang PBA team, naa-angasan daw siya sa import nila na mahilig mag-utos.
Eh napaka-slang at napakabilis pa naman daw mag-ingles nito.
Kailan lang, humingi daw ito sa kanya ng toothpick matapos kumain.
Pero ang naibigay niya, tubig.
Nagalit daw yung import.
Sinagot niya raw ito, "Oh, I thought tubig, toothpick pala, sori."
Isang malaking tagumpay ang nakaraang All-Star games sa Baguio.
Punong-puno ang coliseum (na dapat lang naman dahil 4,000 plus lang ang capacity nito) at tuwang-tuwa ang mga taga-Baguio na makita nila ang kanilang mga idolong players.
Congratulations to the PBA!
Naubusan daw kasi siya ng Ingles kapag nagkakausap na sila.
Puro "actually" at "yeah" at "No, I don’t think so" na lang ang alam niyang isagot kay import kapag tinatanong siya nito.
Kaya kapag lalapitan na raw ni import, nagkukunyari siyang may ginagawa at tumatalikod na lang siya.
Actually, good move.
Kapag nagkakausap na sila, hirap na hirap siyang mag-ingles at di niya talaga malaman kung paano pahahabain ang conversation nila.
Natatawa na lang si college player sa sarili niya kapag nagsasalita na siya ng ingles kapag kausap niya si foreigner na player.
Tawa siya nang tawa dahil minsan daw silang nagkakuwentuhan, nasabi niya kay foreigner na "blessing in the skies" imbes na "blessing in disguise’.
At nung minsan daw na sinuway siya ni foreigner-player matapos niya itong winarningan na huwag maglalakad sa isang mataong lugar diyan sa may university belt at paglaon ay nadukot ang wallet nito, ginamit niya ang pamosong linyang, "I told you not to go, you go to, look at".
Ang ibig sana niyang sabihin, " sinabi ko sa iyong huwag kang pupunta diyan, pumunta ka, tingnan mo." Nakakaloka!
Ewan daw niya kung naiintindihan siya ni foreigner kasi napangiti raw ito matapos ang litanya niya.
Eh napaka-slang at napakabilis pa naman daw mag-ingles nito.
Kailan lang, humingi daw ito sa kanya ng toothpick matapos kumain.
Pero ang naibigay niya, tubig.
Nagalit daw yung import.
Sinagot niya raw ito, "Oh, I thought tubig, toothpick pala, sori."
Punong-puno ang coliseum (na dapat lang naman dahil 4,000 plus lang ang capacity nito) at tuwang-tuwa ang mga taga-Baguio na makita nila ang kanilang mga idolong players.
Congratulations to the PBA!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended