^

PSN Palaro

Reyes, Bustamante, Pagulayan sali sa 10-Ball championship sa US

-
Sariwa pa sa kanilang tagumpay sa Philippines vs Europe match, babanderahan nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante kasama rin si Alex Pagulayan ang pagsargo ng bansa sa 10-Ball Championship sa susunod na buwan.

Ito ay nakatakdang ganapin sa Bankshot Billiards Hall sa Jacksonville, Florida sa Mayo 23-27 at lalahukan ng pinakamaraming dayuhang players sa kasaysayan ng billiards sa Florida.

Ang invitational event na limitado sa 96 players ay inorganisa ng Dragon Promotion outfit.

Makakasama nina Reyes (1999 Cardiff WPC champ), Bustamante (2002 Cardiff WPC runner-up) at Pagulayan (2004 Cardiff WPC champ) sina reigning national open champion at All-Japan champion Lee Van Corteza.

Tinalo nina Reyes at Bustamante ang Team Europe na pinagtambalan nina dating WPC champions Mika Immonen ng Finland at Thorsten Hohmann ng Germany sa espesyal na Phlippines vs Europe match noong Abril 18 sa Times Billiards sa Bellflower, California.

Bukod kina Reyes, Bustamante, Pagulayan at Hohmann at Immonen, Lalahok din sa 10-Ball championship ang mga bigating cue players ng ibang bansa na sina Johny Archer, Ralf Souquet, Charlie Williams ng USA, Niels Fiejen ng Netherlands, Marcus Chamat ng Sweden, Thomas Engert ng Germany, Raj Hundal ng England, Luc Salvas ng Canada, at dating world trickshot kingpin Fabio Petroni ng Italy.

Ang mga first-timers naman sa world championship na ito ay sina Rob Saez ng USA, Manuel Gama ng Spain, Goh Takami ng Japan, Pil Hyun Cho ng Korea, Craig Riley ng England at John Morra ng Canada.

ALEX PAGULAYAN

BALL CHAMPIONSHIP

BANKSHOT BILLIARDS HALL

BUSTAMANTE

CARDIFF

CHARLIE WILLIAMS

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with