Doble panalo kuha ng UP
May 2, 2007 | 12:00am
PASIG CITY  Isang doble panalo ang itinala ng University of the Philippines, na umaasam ng kanilang ikatlong sunod na titulo, makaraang igupo ang De La Salle University, 7-2 at Laguna 10-3 sa panimula ng ikatlo at huling yugto ng 32-in-1 softball championship na hatid ng Cebuana Lhuillier.
Sa unang laro ng UP, tumirada si Jocelyn Gonzales ng 3-run home-run at nag-ambag ng solo homerun si Alex Zuluaga para banderahan ang Lady Maroons sa 7-2 tagumpay.
Makalipas ang dalawang oras, nagbalik ang Lady Maroons upang itala ang kanilang ikalawang panalo laban naman sa Laguna, 10-3.
Sa laban naman sa kabilang grupo, bumanat ng one-run double sa 7th inning si Babel Cang na nagsilbing abante ng Ateneo sa kanilang 10-9 panalo laban sa Makati.
Umabante ang Lady Blue Eagles ng 7 runs sa 7th inning, 10-3, ngunit sa bottom ay bumirada ng anim na run ang Makati na napigilan ni starting pitcher na si Trisha Beloso nang patsihin niya ang huling batter. (Anatoly dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended