Toyota, Harbour Centre nalo
May 2, 2007 | 12:00am
Habang nag-holiday ang lahat ng manggagawa sa Labor Day, nagtrabaho naman ang Toyota Balintawak at Harbour Centre upang pagsaluhan ang liderato sa 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez College Sports Centre sa Parañaque kahapon.
Kinailangan ng Harbour Centre ng overtime sa ikalawang laro upang pasadsarin ang Cebuana Lhuillier-Pera Padala sa pagtutulungan nina Jason Castro at Chico Lanete sa extra period tungo sa ika-apat na sunod na panalo ng mga Batang Pier.
Dinungisan naman ng Toyota Balintawak ang malinis na katayuan ng Burger King na pinatikman nila ng 82-66 kabiguan para wakasan ang four-game-winning streak ng Whoppers sa unang laro.
Bunga nito, magkasalo na ang Burger King at Harbour Centre sa liderato bunga ng kanilang magkatulad na 4-1 kartada habang ang mga talunang Cebuana at Toyota ay magkasalo naman sa 3-2 win-loss slate. (MB)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended