Pinayuko ni Manalo si Tony Chohan, 9-3 at isubi ang hala-gang $3,500 pa premyo.
Nanalasa ang 30 anyos na si Manalo nang manaig ito kina John Trelevas (7-2), Chen-Man Lee (7-3) at Hunter Lom-bardo (7-3) at Nathan Rose (8-4) sa winner’s bracket.
Ngunit dahil sa kabiguan kay Danny Harriman, 7-8 na-punta ito sa one-loss side.
Gayunpaman hindi naging hadlang ito para mawalan ng pag-asa ang Pinoy sa 64-man field nang manaig ito kina Ignacio Chavez (8-6), Rose (8-5) at makaganti kay Harriman (8-7) para manguna sa loser’s side at makaharap naman si Chohan sa titulo.
Tinanggap ni Chohan ang runner-up prize $2,000, nako-po naman ni Harriman ang third prize $1,500 habang inuwi naman ni Rose ang fourth prize $1,200.
Kamakailan lamang nag-desisyon si Manalo na huwag sumali sa ikalawang yugto ng Guinness 9-Ball Tour sa Mayo 18-20 sa Kaoshiung, Taiwan para makasali sa US pool circuit.
Ating magugunita, nagde-sisyong hindi maglaro si Manalo sa 2nd leg ng Guin-ness 9-ball tour sa Mayo 18-20 sa Kaohsiung, Taiwan para matupad ang kanyang commitment sa US pool circuit.