^

PSN Palaro

Palaro silver medallist from Sibonga hopes to make waves in 12th Gullas Cup tennis

-

ALA ring ipinagkaiba sa lungsod ang mga nangyayaring krimen sa mga liblib na nayon. Sa pangarap na lamang ang panahong kahit na maglakad ka sa kalaliman ng gabi sa nayon o liblib na lugar ay walang gagawa ng masama. Hindi na ngayon, walang ipinagkaiba ang bangis ng lungsod sa bangis din ng nayon. At masisisi ang kawalan ng mga nagpapatrulyang pulis sa lugar. Wala na ang sinasabing police visibility, mapa-liblib man o nayon. Maski ang mga barangay tanod ay hindi magampanan nang maayos ang tungkulin para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

Sa pagkakapatay ni Juan Duntugan sa American Peace Corps volunteer Julia Campbell, maaaring sisihin din dito ang Cordillera Police Region. Dahil naging inutil ang Cordillera police sa pagpapatrulya sa lugar na dinadagsa ng mga turista, nagawa ni Duntugan ang pagpatay sa kawawang si Julia. Umamin na si Duntugan at ayon nga sa Cordillera police sarado na ang kaso.

Mahusay lamang magsalita ang mga taga-Cordillera police pero ang totoo kung hindi sumuko si Duntugan ay baka nangangamote pa rin sila ngayon at hindi malaman ang gagawin para malutas ang kaso. Pawang "daw" at "raw" sila sa simula ng imbestigasyon at ni hindi nga nila matukoy kung nasaan si Duntugan.

Ang nangyaring pagpatay sa Banaue ay maaaring maulit kung magpapatuloy ang Cordillera police sa pagiging inutil. Ngayong isang buhay na ang nagbuwis doon, dapat kumilos ang hepe ng pulis doon para mapangalagaan hindi lamang ang mga residente kundi pati na rin ang mga turistang dumadalaw. Ang turismo sa nasabing lugar ay isa sa pinagkakakitaan at ito mismo ay inamin ni Tourism Secretary Ace Durano. Bawat araw ay may mga turistang dumadayo roon para makita ang hagdan-hagdang palayan na ginawa ng mga Ifugao.

Pagkaraan ng pagpatay kay Julia saka lamang nag-utos ang PNP sa pamamagitan ni Director Gen. Oscar Calderon na magtayo ng police assistant sa Batad, kung saan napatay si Julia.

Dito nakita ang pagkukulang ng Cordillera police sa pag-secure sa kanilang mga bisita.

AMERICAN PEACE CORPS

CORDILLERA POLICE REGION

DIRECTOR GEN

DUNTUGAN

JUAN DUNTUGAN

JULIA

JULIA CAMPBELL

OSCAR CALDERON

POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with