Bumangon mula sa loser’s bracket si Marlon Manalo tungo sa pagkopo ng titulo sa pagtatapos ng Seminole Florida Pro Tour Stop na ginanap sa Strokers Billiards sa Palm Harbor, Florida.
Pinayuko ni Manalo si Tony Chohan, 9-3 at isubi ang hala-gang $3,500 pa premyo.
Nanalasa ang 30 anyos na si Manalo nang manaig ito kina John Trelevas (7-2), Chen-Man Lee (7-3) at Hunter Lom-bardo (7-3) at Nathan Rose (8-4) sa winner’s bracket.
Ngunit dahil sa kabiguan kay Danny Harriman, 7-8 na-punta ito sa one-loss side.
Gayunpaman hindi naging hadlang ito para mawalan ng pag-asa ang Pinoy sa 64-man field nang manaig ito kina Ignacio Chavez (8-6), Rose (8-5) at makaganti kay Harriman (8-7) para manguna sa loser’s side at makaharap naman si Chohan sa titulo.
Tinanggap ni Chohan ang runner-up prize $2,000, nako-po naman ni Harriman ang third prize $1,500 habang inuwi naman ni Rose ang fourth prize $1,200.
Kamakailan lamang nag-desisyon si Manalo na huwag sumali sa ikalawang yugto ng Guinness 9-Ball Tour sa Mayo 18-20 sa Kaoshiung, Taiwan para makasali sa US pool circuit.
Ating magugunita, nagde-sisyong hindi maglaro si Manalo sa 2nd leg ng Guin-ness 9-ball tour sa Mayo 18-20 sa Kaohsiung, Taiwan para matupad ang kanyang commitment sa US pool circuit.