Transport groups bubuhos sa Labor Day
May 1, 2007 | 2:26pm
Sinandalan ni Alex Escaner ang kanyang pagiging agre-sibo sa huling dalawang rounds upang maisantabi ang matinding hamon ni Jake Verano at mapanatiling hawak pa ang Philippine Super Bantamweight title na pinagla-banan sa Fiesta Fistiana nitong Linggo ng gabi sa Rajah Sulaiman Park, Malate, Manila.
Hindi nilubayan ng 33 anyos na nagdedepensang kampeon ang number three challenger na si Verano na patuloy ang pag-atras at pag-akap bunga ng paniniwalang nanalo siya sa laban.
Ngunit ang magkaibang diskarte ng dalawa sa mga krusyal na rounds ay pumanig kay Escaner nang makum-binsi ang dalawang hurado na sina Capt. Ramon Flores at Alex Villacampa na nakatabla siya sa laban.
Libu-libong tao, kabilang ang dating world champion na si Gerry Peñalosa, ang sumaksi sa pa-boxing na inorganisa ng Philippine Sportswriters’Association sa pakikipagtulungan sa Games and Amusements Board (GAB) at Lungsod ng Maynila.
Sina GAB chairman Eric Buhain, PSA president Aldrin Cardona at Manila Sports Council (MASCO) chairman Arsenic Lacson na siya ring kumatawan kay Manila Mayor Lito Atienza ang siyang naggawad ng malaking tropeo kay Escaner na siyang main event sa pa-boxing na supor-tado ng San Miguel Corpora-tion, Philippine Amusements and Gaming Corporation at Philippine Sports Commission.
Pinasalamatan ni Cardona, sports editor ng Daily Tribune, ang lahat ng mga tumulong at nanood kasabay ng panga-kong sisikapin uli ng PSA na makapagtaguyod ng Fiesta Fistiana sa susunod na taon.
Ang kinita sa libreng pa-boxing na ito ay ipambibili ng mga pangkabuhayan karts na siyang ipamamahagi para sa mga nagretiro at may kapan-sanang mga dating propes-yonal na boksingero ng bansa.
Binigyan din ng ayuda ng Philippine Airlines, SM, Caltex Philippines at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang pa-boxing na tinulungang i-promote ni Alexander “Bomber” Pamiloza ay kinakitaan din ng pagka-panalo nina RP #4 sa super-bantamweight Jun Talape, number 2 straw weight Denver Cuello at number 1 sa featherweight Michael Farenas sa supporting bouts.
Sa kababaihan, nagwagi si Gretchen Abaniel sa pama-magitan ng TKO sa third round laban kay Baina Londo habang si Jeramie Tabas Tabas ay nanaig kay Jujeath Nagawa gamit ang unanimous decision sa women’s boxing habang sina Jason Perater at Jurland Ceniza ang nangibabaw kina Ruel Cutson at Francis Borrerors sa dalawang four-rounders.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 5, 2024 - 12:00am