^

PSN Palaro

Nakakabilib ang Whoppers

FREE THROWS - AC Zaldivar -
MUKHANG ang Burger King ang siyang magiging pinakamalaking hadlang sa hangarin ng Harbour Centre na makakumpleto ng pambihirang Grand Slam sa Philippine Basketball League!

Aba’y hanggang ngayon ay malinis pa rin ang record ng Whoppers matapos na maitala ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa PBL Unity Cup nang maungusan nila ang Dazz ‘Sang Patak sa double overtime, 101-98 noong Sabado sa The Arena sa San Juan.

"I survived the intense pressure," ani assistant coach Rene Baena na siyang gumiya sa Whoppers sa pagkawala ng head coach na si Lawrence Chongson at Allan Gregorio. "Masama ang umpisa namin," aniya patungkol sa pangyayaring lumamang ang Dazz, 65-52 sa pagtatapos ng third quarter pero naitabla nila ang score, 73-all sa pagtatapos ng regulation period."This is all about heart. I thought we can’t recover after our poor performance in the first half. Naghahanap na nga ako ng puso ng baboy o baka kanina dahil masama ang laro nila sa umpisa. But the boys proved me wrong. They showed great resolve down the stretch," dagdag ni Baena.

Sa dulo ng unang overtime period ay nakalamang pa ng tatlong puntos ang Dazz subalit nagpakawala ng isang three-point shot si Ronjay Buenafe sa huling 1.2 segundo upang maitabla ang score, 88-all at magkaroon ng ikalawang overtime.

Kaya naman si Buenafe ang siyang pinarangalan bilang Player of the Week ng PBL Press Corps. Sinimulan ng Cebuana Lhuillier ang kampanya nito sa PBL Unity Cup nang tambakan nila ang Henkel-Sista (85-72).

Pagkatapos ay naungusan nila ang defending champion Harbour Centre (81-77) at isinunod ang Cebuana Lhuillier (80-69). Sa tutoo lang, nang magwagi sila sa Harbour Centre, marami ang nagsabing "tsamba" lang ito.

Iyon kasi ang unang game ng Batang Pier sa torneo at hindi pa nakakapag-ensayo nang buo ang mga ito. Kasi nga’y karamihan ng mg manlalaro ng Harbour Centre ay nagtungo sa Jakarta, Indonesia upang kumampanya sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Champions Cup at nagkampeon.

Pero aminado si Harbour Centre coach Jorge Galent na hindi excuse iyon at talagang maganda ang nilaro ng Burger King.

Kumpleto daw ang koponang ito at malaki ang potential. Kung titignan ang Burger King, hindi naman talaga mga superstars ang players ng koponang ito.

Mga role players at hard workers lang talaga. Tanging ang sentrong si JR Quiñahan ang sikat dito at sinasabing pag-aagawan sa susunod na Draft ng PBA. At dahil nga sa hindi naman sikat ang mga Whoppers, talagang buhos ang kanilang performance. Nais nilang magpakilala. Ito ang main weapon ng Burger King.

Walang paistaran! Kayod lang!

Sana huwag itong magbago!

ALLAN GREGORIO

BURGER KING

CEBUANA LHUILLIER

DAZZ

HARBOUR CENTRE

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with