^

PSN Palaro

May kriterya na ang POC sa pagsala sa mga atleta

-
Simula ngayong taon ay isang kriterya na ang gagamitin ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa pagsasala ng mga national athletes na ilalahok sa Southeast Asian Games.

Sinabi ni POC chairman Robert Aventajado ng taekwondo association na ang kriterya ang palagiang pinagtatalunan sa tuwing magpapadala ng delegasyon sa SEA Games, kabilang na rito ang darating na edisyon sa Thailand sa Disyembre.

"As they develop their athletes. As their athletes compete two years prior to the Southeast Asian Games, they already have an idea kung alin ang criteria ang dapat nilang i-meet at more or less malalaman nila kung sinong mga atleta nila ang makaka-meet ng criteria," wika ni Aventajado.

Para sa 2007 Thailand SEA Games, wala pang naitatalang kriterya ang binuong SEA Games Task Force, ayon sa dalawang chairman nitong sina Julian Camacho ng wushu at Commissioner Richie Garcia ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kina Camacho at Garcia, mailalatag lamang nila ang kriterya para sa mga atleta pagkatapos ng pulong ng SEA Games Federation Council sa Mayo 16 sa Bangkok, Thailand.

"It will be a lot easier for everybody," sabi ni Aventajado sa pagkakaroon na ng standard criteria. "It should’nt be a big issue everytime we select our athletes for the Southeast Asian Games."

Para sa 2007 SEA Games, awtomatiko nang makakasama sa delegasyon sa Thailand ang mga gold at silver medalists sa nakaraang dalawang edisyon ng biennial event noong 2003 sa Vietnam at noong 2005 sa Pilipinas.

"Ang mga gold, silver at bronze medalists naman sa 2006 Asian Games ay kasama na rin sa Team Philippines," ayon kina Camacho at Garcia. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

AVENTAJADO

CAMACHO

COMMISSIONER RICHIE GARCIA

GAMES

GAMES FEDERATION COUNCIL

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with