^

PSN Palaro

NCR overall champion pa rin

- Joey Villar -
KORONADAL City --Tinapos ng National Capital Region ang kanilang dominasyon sa paghahari sa lahat ng sports higit sa lahat sa basketball upang makopo ang overall title sa secon-dary level sa ikalawang sunod na taon sa pagsa-sara ng 2007 Palarong Pambansa sa South Cotabato Sports Complex dito.

Kumana si Arvie Bringas ng game-high 23 puntos habang nag-ambag naman si Ryan Buenafe ng 22 kabilang na ang inside stab, may 13 segundo na lamang ang nalalabi na nagbigay sa Big City bets ng 86-85 panalo laban sa Zam-boanga Peninsula at ikat-long sunod na basketball title.

Ang tagumpay sa hardcourt ang higit na nagpakinang sa dominas-yon ng NCR sa isang linggong torneo na mag-babalik sa Luzon sa susunod na taon.

Ang tagumpay ding ito ang tumabon sa kabiguan ng NCR secondary girls volleyball na kinatawan ng Hope Christian School sa Central Luzon at boys football naman na bigo sa mahigpit nilang karibal na Western Visayas.

Yumuko ang Manila belles na humugot ng lakas kina Gizza Yumang, Kristel Rosale at Paulina Soriano sa Central Luzon, 23-25, 26-24, 25-27, 25-10, 15-8.

Sa pagtatapos mg araw, kumolekta ang NCR nang kabuuang 365.4 puntos na ang 218.8 ay mula sa boys section at 147 sa girls upang isubi ang ikalawang sunod na overall title.

Sumandal naman ang Western Visayas sa panalo nila sa athletics, volleyball, softball at boys’ table tennis para sa ikalawang puwesto sa kanilang 218.5 puntos kasunod ang Southern Tagalog A na trinang-kuhan ng girls tankers sa kanilang 202 puntos.

Habang patuloy ang pagdomina ng NCR sa basketball, naghari na-man ang Western Visayas sa football matapos ang 1-0 decision at come-from-behind panalo ng huli para naman sa soccer gold sa ikatlong sunod na taon.

Kinuha rin ng Western Visayas ang boys volley-ball gold matapos patau-bin ang Autonomous Re-gion of Muslim Mindanao, 25-12, 25-13, 25-19. Nakuha naman ng East-ern Visayas ang bronze.

Naghari din ang NCR sa elementary general championship matapos humakot ng 275 puntos at maungusan ang Western Visayas na may tinapos na 236.5 puntos.

Kumukumpleto sa magic five ang Central Visayas (135), Southern Tagalog A (130) at host Cotabato Region (127).

Kasama na naman sa top 10 ng high school level ang Central Luzon (122.9), Central Visayas (97), Cotabato (80), Davao Region (53.5), Ilocos (32.9), Zamboanga Peninsula (32) at Cordillera Administrative Region (28.5).

Sa boxing, nanatili ang supremidad ng Davao nang walisin nito ang lahat ng limang gintong medalyang nakataya sa sports kung saan may magandang tsansa ang bansa na masungkit ang mailap na kauna-unahang Olympic gold.

Ibinigay nina Jonathan Tawan (light flyweight), Victor Saludar III (pin), Engelbert Moralde (pa-per), Ryan Lumacad (mosquito) at Mark Anthony Barige (powder) ang ginto para sa Davao na higit na pinalakas ang grassroots program ng boxing kung saan umaa-sang makakagawa ng isa pang Manny Pacquiao.

Samantala, nasungkit ng Davao cagers ang bronze medal nang patau-bin nila ang Northern Mindanao, 81-61.

ARVIE BRINGAS

AUTONOMOUS RE

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

DAVAO

SOUTHERN TAGALOG A

VISAYAS

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with