^

PSN Palaro

Cimatu, nagningning; Berino kumolekta ng 6 golds

- Joey Villar -
KORONADAL City--Kapag umulan, bumubuhos!

Sa wakas, makaraan ang isang mainit na linggo, umulan na rin at kasabay nito ang record-breaking na tagumpay ng javelin thrower mula sa Ilocos Region makaraan iposte ang pinakamahalagang performance habang pa-tuloy ang pagdomina ng National Capital Region sa pool sa penultimate day ng Palarong Pam-bansa dito sa South Cotabato Sports Complex.

Naghagis sa distan-siyang 38.53m si Ilocos bet Staphanie Cimatu upang burahin ang isang taong elementary record na 34.94m na hawak ni Nina Malinao ng Southern Tagalog A sa araw na umulan at pumawi sa maparusang temperatura kung saan dalawang opisyal ang namatay at ilang kaso ng heat stroke.

"I thanked my coach for helping and training me for this event," patungkol ng 12-year-old na si Cimatu sa dating South-east Asian Games javelin gold medalist na si Erlinda Lavandia.

Habang sinusulat ang balitang ito, patuloy ang pananalasa ng NCR sa secondary division na may kabuuang 108 over-all championships na malayung-malayo sa mga sumusunod na Central Luzon (59), Western Visayas (48), Central Visayas (42) at Southern Tagalog A (37).

Hawak din ng Metro Manila ang komportab-leng abante sa elemen-tary level sa kanilang 119.5 kasunod ang Cota-bato Region (55), Central Visayas (34), Western Visayas (31) at Southern Tagalog A (31).

Nagreyna naman si Sabrina Ingrid Illustre sa 200m individual medley sa bilis na dalawang minuto at 37.87 segundo na bumura sa sariling record na 2:38.54 na kan-yang inirehistro sa pang-umagang heats.

Ang dati niyang record na winasak ay 2:40.18 na inilista ni Kerschtine Veles ng Western Visayas may pitong taon na ang naka-karaan sa Bacolod City.

Ang iba pang record na nawasak sa pool ay ang 4x100 freestyle relay team nina Christine Grace Tan, Marvie Borja, Claire Adorna at Erika Visitacion ng SouthernTagalog A sa oras na 4:19.43. Ang dating record na hawak ng NCR tankers sa loob ng pitong taon ay 4:24.97 na kanilang binura sa pang-umagang heat sa tiyempong 4:21.74.

Kung niyanig ni Illustre, na nanaig din sa 100m breast, dinagdagan na-man ni Gian Daniel Berino ang kanyang koleksiyon sa anim na ginto at tang-haling most bemedalled athlete sa isang linggong event makaraan ang tagumpay sa 200m IM sa oras na 2:31.58.

ASIAN GAMES

BACOLOD CITY

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

CHRISTINE GRACE TAN

CLAIRE ADORNA

ERIKA VISITACION

ERLINDA LAVANDIA

SOUTHERN TAGALOG A

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with