Nakupo, hindi kami kailan man magagalit sa PBA. Lalong hindi kami magagalit sa RP national basketball team. We love basketball just as you do. Pag may kailangan lang punahin, naisusulat lang. Pag punong-puno ang Araneta Coliseum dahil sa sobrang dami ng tao, isinusulat natin yan at binabati rin natin ang PBA.
Pero kapag walang tao at puwede kang mag-bowling sa Big Dome sa isang PBA game, isinusulat din namin yan pero hindi yan nangangahulugan na galit kami sa PBA.
Marahil asar kami sa ibang tao na taga-PBA at buwisit kami sa ugali ng ilang nasa PBA, pero hindi nangangahulu-gan yan na galit kami sa PBA.
Yung tungkol sa pagsulat namin ng national team na gumagastos ng P70 million para lang sa kanilang training abroad, opinyon lang namin yon.
At hindi lang kami ang pumupuna nun. Maraming beterano na at respetadong sports columnist ang nagsulat na rin ng kanilang pagpuna tungkol dito. Kahit yung mga respetadong sports personalities ay nagsalita na rin tungkol sa pagbatikos nila sa issue ng paggastos ng P70 million ng RP team sa kanilang maambisyoso, maluho at extravagant na training in the hope of qualifying in the Olympics. Sabi nga ng isang beteranong kolumnista, hindi niya maubos maisip kung bakit ang ginagastos ng RP basketball team ngayon ay P70 million, samantalang ang naka-toka lang para sa lahat ng teams, repeat, lahat ng national teams na ipapadala natin sa darating na SEA Games ay P30 million lang.
To think na sa SEA Games, mas marami tayong atleta who are potential sports heroes. World sport heroes.
Mga atletang mas higit ang kakayahan na makapagdala sa atin ng malaking karangalan sa sports.
Kung gusto natin na isang Amerikano ang magturo sa mga players natin, kung gusto natin na isang Amerikano ang mag-training sa mga players, if we believe that foreign trainers can help us a lot, bakit hindi sila ang papuntahin dito?
Kahit i-lock up mo pa sa Baguio o sa Boracay o sa Timbuktu yang mga players natin, what difference will it make?
Pareho ang size ng basketball court, pareho ang bola, pareho ang rules, pareho ang pito, pareho ang tubig na iinumin--what diffe-rence will it make?
Alam na alam naman nating maraming athletes ng ibang sports (swimming, tennis, etc...) na dahil maya-man sila eh kayang kaya nilang gumastos ng sarili nilang pera para lang mag-training sa ibang bansa. Ilang taon at ilang milyon din ang ginugol at ginastos, pero ano-- may nangyari naman ba?
O eh sa SEA Games nga lang, hindi na manalo ang marami sa kanila at umuwi rin silang luhaan?
Napakahirap bang tang-gapin ang realidad na yan?
Kaya naman sa tuwing bibili ka ng gatas, hotdogs, beer, softdrinks, energy drink, etc,.... isipin mo na lang, nakapag-ambag ka na rin sa luho na yan ng RP team natin.