^

PSN Palaro

Batang Pier iniligtas ni Duncil

-
Umiskor si Jojo Duncil nang lahat ng kanyang 10 puntos kabilang na ang tatlong krusiyal na charities sa ikaapat na quarter nang malusutan ng Harbour Centre ang Henkel-Sista, 76-72 na kanilang ikalawang sunod na panalo habang nakuha naman ng Cebuana Lhuillier ang solo liderato makaraang manalo sa Toyota Balintawak, 71-65 sa 2007 PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center.

Matapos ang malam-yang laro sa unang tatlong quarter, nag-init ang 6’1 guard nang magpakawala ito ng 7 puntos sa 16-5 salvo para itabla ang iskor sa 67-all.

Mabilis namang naka-balikwas ang Super Sealers nang umiskor ito ng dalawang sunod na basket para sa 71-67 abante may ilang minuto na lamang ang nalalabi sa laro.

Ngunit hindi basta-basta sumuko ang defen-ding champion na Batang Pier at nagtulungan sina Jason Castro at Edwin Asoro bago ipinalasap ni Ronnie Matias ang kahuli-hulihang abante ng kani-lang team sa pama-magitan ng split charity, 72-71 may 35 tikada na lamang ang nalalabi.

Dito nabuo ang desisyon. Nabigyan ng go signal para mag-shoot, bumomba si Duncil at pumeke bago itinira ang three-point na pumigil sa hininga ng mga mano-nood at nag-ingay ang mga fans ng Harbour nang sa kasamaang palad ay nagmintis ito. Mabuti na lamang at nakahugot ito ng foul mula kay Gester Ebuen.

Dito isiniguro ni Duncil na hindi na siya magmi-mintis at kanain ang 74-72 abante may 23 segundo na lamang ang nalalabi.

vuukle comment

BATANG PIER

CEBUANA LHUILLIER

DITO

DUNCIL

EDWIN ASORO

GESTER EBUEN

HARBOUR CENTRE

JASON CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with