Dalawa pang gintong medalya ang nilangoy ni Gian Daniel Berino ng National Capital Region para sa kanyang kabuuang lima at koronahan ang sarili bilang performer sa taunang multi-sports meet para sa elementary at high school athletes.
Si Berino, incoming high school freshman sa UNO High ay naghari sa 100m free sa bilis na 1.30 segundo bago trangkuhan ang 400m medley upang pakinangin ang isa na namang ginintuang araw.
Umagaw naman ng eksena si Luville Datoon ng Western Visayas nang sumungkit ito ng dalawang ginto at tanghaling kauna-unahang athletics na naka double gold.
Dahil sa tindi ng init ng araw, umabot sa 116 atleta at ilang opisyal kabilang na ang 53 na kaso noong Martes at 17 kahapon ang dumanas ng heat stroke. Ito ay ayon kay Dr. Raymund Prieto.
Ayon kay Prieto nasa maayos na kondisyon na rin si Nida Villas ng Batangas na isinugod sa intensive care ng provincial hospital dito isang araw matapos atakihin si Marinduque principal Carlo Mingue del Prado.
Naghari ang 16 anyos na si Daoon sa secondary long jump sa distansiyang 5.14m bago kinuha ang gold sa 100m sa bilis na 12.6 segundo habang nanatiling nasa tamang daan ang Region 6 sa paghahari sa track and field.
Isang araw matapos makatipon ng 14 sa 16 golds na nakataya sa Day 1 sa pool competition, nakuha naman ng NCR ang 7 pa sa 12 nakataya sa Day 2 kabilang na ang napagwagian nina Jodie de Leon (secondary 200m breaststroke), Hannah Dato (elementary 100m free), Mattew Tano (secondary 100m free), the secondary 400m medley relay team of Dato, Kezia Sarmiento, Jacquelyn Cruz at Sabrina Ingrid Illustre at ang secondary 400m medley relay squad nina Tano, Maxim Quilala, Angelo Carandang at Adel Barlisan. (Joey Villar)